Mocha Uson, pinag-iinitan ni Marian Rivera?!

TWO MONTHS AGO, may natanggap kaming text message galing sa isang kilalang “booking manager” sa entertainment business.

Heto ang laman ng kanyang text: “Ui, may bgo. Fnalist ng strstruck.Mgnda n lmlabas na sa mvies.kya lang madgo ang presyo. P300K. Type mo?”

Maganda talaga ang bagets. Kaya lang, mahal din ang presyo. Sinubukan namin ang “booking manager” na nag-text. Tinanong namin kung puwedeng makahingi ng discount at gawin na lang niyang P200K ang presyo pero hindi raw puwede dahil take it or leave it daw ang rate ng bagets.

After one week, may tumawag naman sa amin na isang negosyante na “friend” nina RR Enriquez and Iwa Moto. Kilala rin siya ng mga “booking manager” sa showbiz dahil mahilig ito sa mga celebrities kahit magkano pa ang rate nito.

Ang balita niya sa amin, finish na raw siya sa bagets na in-offer sa amin ng isang “booking manager” at nang tinanong namin kung how much, ‘sakto. Tumataginting na P300K ang kanyang binayad.

Hmmm…. Alam kaya ni Starstruck Princess Snell na lagi siyang laman ng usapan sa mga text messages at sa mundo ng mga “booking managers”?

TRUE KAYA ANG nakarating sa aming balita na inisnab at inirapan ni Marian Rivera si Mocha Uson sa isang product launch na ginanap sa isang five-star hotel?

Pareho silang guest performers that night at dahil nagkasama naman noon sa GMA-7 ang dalawa ay binati raw ni Mocha si Marian pero imbes na makakuha ng ganting bati galing sa gf ni Dingdong Dantes e, isang matinding irap daw ang ginawa sa kanya ng GMA-7 actress.

Marami ang nakakita sa eksenang ‘yon.

After an in-depth investigation (may ganu’n daw, o), nalaman namin na pinagselosan pala ni Marian si Mocha dahil pinagpi-piyestahan ngayon sa You Tube ang mainit na kiss na ibinigay ng sexy performer kay Dingdong nang nag-guest ito sa Family Feud.

Bukod du’n, ang feeling daw ni Marian e, tinira siya ni Mocha sa kanilang guesting sa product launch nang nagsalita ng straight English ang seksing singer habang sumusulyap sa aktres. Remember, lumaki noon ang isyu nang nagkamali noon si Marian sa isang interview nang sinabi niya ang katagang “Psychology” imbes na psychologist. Nagpaka-oversensitive daw du’n ang syota ni Dingdong.

Kunsabagay, matagal na namang alam ng mga taga-showbiz ang katarayan ng aktres kaya ngayon, ang kanyang latest victim e, si Mocha.

Kahit na anong pilit ay ayaw raw siyang patulan ni Mocha dahil magmumukha lang daw siyang cheap.

Ganu’n? Ibig bang sabihin nu’n e, cheap si Marian? Hmmm…

DAHIL MALAKI RAW ang kinita ng I’ll Be There nina Gabby and KC Concepcion, may clamor ngayon ang mga fans na kung puwede ay ituloy na ang Sharon Cuneta and Gabby movie. Op kors, kung sakali e, kasama rin du’n ang kanilang dalaga na si KC.

According to our insider friend sa Star Cinema, happy raw ang mga executives sa naging resulta ng kanilang movie sa takilya. Klik daw talaga ang tandem ng mag-ama sa movie.

Tama! Kung magkakaroon man ng part 2 ito, mas maganda kung kasama si Ate Shawie, ‘di ba?

Tutal naman, nakapag-guest na si Gabo sa Sharon at mukhang stable na ang family ni Mega kasama ang kanyang husband na si Senator Kiko Pangilinan kaya for the sake of art (ganu’n?) e, mas interesting talaga kung magsama sila sa isang pelikula.

Pelikula lang naman ‘yon at siguradong malawak na ang isip ng mga tao, kaya wala na rin siguro ‘yung selos factor sa part ni Senator Kiko, whatdayathink?

For reactions, please e mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleMaelyang young actress, gustong lasingin ang dyowang young actor para matikman!
Next articleSarah Geronimo, tuloy na sa mala-Glee na teleserye!

No posts to display