MOCHA USON, OVER NA SA PAGIGING EXHIBITIONIST?!

BINABATIKOS NA NAMAN ng mga moralista ang sexy star na si Mocha Uson matapos ang kanyang guesting sa podcast show ni DJ Mo Twister nu’ng February 23, 2011. Sa nasabing radio program na live ding napapanood ng mga viewers sa internet ay pinag-usapan nila ang breast cancer.

Malapit sa puso ni Mocha ang nasabing paksa dahil ito ang sakit ng kanyang ina. Special guest din sa nasabing palabas si Dr. Gan, at kinumbinsi pa nito na mag-breast examination sa kanya. Nu’ng una’y pumapalag ang doktor, pero bumigay rin ito nang lalong pilitin ni Mocha. May mga hirit pa ito na tila inaakit ang doktor. May mga nagsasabing nasosobrahan na nga ni Mocha ang pagiging exhibitionist niya.

ARCI MUÑOZ AT RITZ AZUL, MAGPAPATALBUGAN NA!

Sa March 21 na mapapanood ang ikalawang dramaserye ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak. Bida rito sina Arci Muñoz bilang Dahlia at Ritz Azul bilang Daisy. Kuwento ito ng magkapatid na haharap sa maraming pagsubok sa buhay bago marating ang rurok ng tagumpay.

Produkto ng Starstruck 3 si Arci at si Ritz naman ay galing sa Star Factor. Sa teaser trailer pa lang ay pasimple nang nagpapatalbugan ang dalawa.

Kasali rin sa cast sina Richard Gomez, Sheryl Cruz, Valerie Concepcion, Victor Basa, Jay Aquitania, Carla Humphries at Ruffa Gutierrez, sa direksyon ni Jon Red.

MELISSA RICKS, KINAKARIR ANG PAGPAPAPAYAT!

Bigay-todo ngayon sa pagpapaseksi ang bida ng Nasaan Ka, Elisa? na si Melissa Ricks. Talagang sinusunod na niya ang kanyang diet plan at kinakarir na ang pag-e-exercise. Ayaw sayangin ng mestisang aktres ang big break na iginawad sa kanya ng Dos na magbida sa isang sexy-thriller afternoon series na ito.

Balitang okey lang sa boyfriend na si Jake Cuenca ang kanyang sudden ‘change of image’ dahil nasa tamang edad naman na ito. Two years na palang magkarelasyon sina Jake at Melissa. Ngayon lang nila kinumpirma ito dahil mas gusto nilang maging private ang kanilang pagsasama.

DIANNE MEDINA, AMINADONG PINAGSELOSAN SI BIANCA MANALO!

Inamin kamakailan ng Kapamilya turned Kapatid ta-lent na si Dianne Medina na totoo ang tsikang tinawagan nito ang Juanita Banana lead star na si Bianca Manalo. Narinig kasi ni Dianne Medina na niyaya diumano ni Rodjun Cruz si Bianca na mag-date.

Matagal nang magkarelasyon sina Dianne at Rodjun at natural lang naman sa babae na mag-alala kung marinig nito na may pinopormahang iba ang kanyang dyowa. Wala naman nang dapat ikabahala ang dalaga dahil mukhang pang-TV lang talaga ang love angle sa pagitan nina Bianca at Rodjun.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “MOCHA USON, OVER NA SA PAGIGING EXHIBITIONIST?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.