Mocha Uson, ‘di mapipigilan ang sextrip sa kapwa babae

TULUYAN NANG INIWAN at hindi na muling binalikan ng magaling na host/comedian na si Arnell Ignacio ang kanilang radio program ni Susan Enriquez sa DZBB 594. Hindi na raw kasi ma-take ni Arnell ang ‘di magandang trato nito sa kanya kapag on board sila, kaya naman daw mas pinili nitong umalis na lang at hayaan na ang kanilang radio program kay Susan.

At kahit nawala si Arnell sa radio program ni Susan, hindi naman nabakante si Arnell dahil nagkasunod-sunod naman ang guestings nito sa iba’t ibang shows ng GMA-7 at TV5. At maging sa radio program ni Kuya Germs Moreno sa DZBB, ang Walang Siesta, napakikinggan din ito paminsan-minsan. Bukod pa sa mas nakatutok ito sa kanyang very successful business.

At dahil nga tunay na magaling at may talent, isang solo radio show ang inalok sa kanya ng Inquirer, kung saan napakikinggan ito gabi-gabi sa DZIQ 99, kaya naman tuluy-tuloy pa rin ang buhay ni Arnell sa radio, without Susan Enriquez.

BALI-BALITANG PAPASUKIN NA RIN ng dalawang anak ng isa sa pinakamahusay na aktres at napapanood sa Koreana, Tweenhearts at ang inaabangang pelikula ng Star Cinema na Bulong,na si Ms. Sylvia Sanchez, ang mundo ng showbiz. Parehong napakagandang bata nina Ria at Arjo Atayde

Pero ayon kay Ms Sylvia nang makausap namin kamakailan sa kanyang TJ’s Resto-Bar, kung siya raw talaga sana ang masusunod, mas gusto raw nitong mag-concentrate muna sa pag-aaral ang kanyang mga anak, at ‘pag nakatapos na raw ang mga ito sa kolehiyo, tsaka na lang papasok ng showbiz.

Pero mukhang nasa dugo ng mga ito ang pag-aartista, kaya naman ang mga ito raw ang nagre-request sa kanya na gusto raw nilang subukan ang showbiz. Kaya naman daw if ever na ‘yun talaga ang hilig ng kanyang mga anak, nakahanda naman daw nitong suportahan ang pag-aartista nila Ria at Arjo .

HANDA RAW MAGNI-NINANG ang very daring at controversial na si Mocha sa anak ni Krista Ranillo kung kukunin siya nito. Tsika ni Mocha nang makausap namin sa Papa J’s Wiches and Wings na matatagpuan sa Blue Wave Macapagal, may pinagsamahan naman daw sila ni Krista kaya naman daw wala namang masama kung magni-ninang siya sa anak nito.

Dahil may anak na si Krista, aminado naman si Mocha na gusto rin niyang mag-asawa at magka-baby in the near future. Nangangarap din daw ito na magkaroon ng isang masaya at malaking pamilya.

Pero kahit may asawa’t anak na raw siya, hindi nito maipapangako sa kanyang kabiyak ang buhay na hindi na siya papatos ng babae, dahil may mga sandaling trip na trip daw niyang maka-sex ang babae. ‘Yun na!

WINNER BILANG BEST New Actor ang isa sa miyembro ng XLR8 na si Arkin del Rosario, para sa role na ‘Isagani’ sa El Filibusterismo, kung saan nakalaban nito ang dalawang artistang sina Lucky Mercado at Edgar Allan Guzman, kapwa ng PO5.

Ayon kay Arkin, very thankful siya sa Teatro dahil ito ang nagbigay sa kanya ng tamang disiplina sa trabaho na kanyang nagagamit ngayon. Thankful din siya sa Viva na kanyang home studio sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maging miyembro ng isa sa hottest P-Pop sa bansa, ang XLR8 na gold recod na ang kani-lang album.

Bukod kay Arkin, nagwagi rin sa nasabing award giving body ang kuya ni Judy Ann Santos na si Jeffrey Santos. Nagpapasalamat din daw si Arkin kay Niño Muhlach na siyang director ng El Filibusterismo at sa Villa Teatro Production na pag-aari ni Mr. James Villafuerte.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

14 thoughts on “Mocha Uson, ‘di mapipigilan ang sextrip sa kapwa babae

  1. Hindi lesbian si Mocha. Bi-sexual siya. Di ko man gustong mag judge pero imoral talaga para sa akin. Opinyon lang po.

  2. …si mocha hindi kaya lesbian?ang sagwa,girl to girl,yakkie!!!,,ganda pa naman. tulad din ni arnell,sorry sa mga taong ganyan pero KADIRI…….. huh!!!!:))

  3. paano ka mabubuntisan kung panay ang gamit mo dildo, inamin mo yan na gumagamit ka ng dildo. hahanapin nyo pa rin ang kaligayahang maibibigay naming mga lalake sa inyo. kahit na sabihin mong babae ang hanap mo, sa amin pa rin ang bagsak nyo.

      • dildo yun yung ginagamit ng mga babae pag nag mamastur*ate para siyang ari ng lalake pero artificial siya plastik.

      • Ay, yong fake na ano private part ika nga, nakakaluka! Ha! ha! ha! :) Salamat eye of the tiger sa explanation mo. Nakakaluka, saan ba niya nakuha ang stamina nya! he!he!he! :) Nakakatawa dito! Sana mag pray na lang si Mocha kong napupuna nya na ang stamina nya dumadating na para hindi na lang siya mga dil-do-it ika nga, ha!ha!ha! :) Nakakalurka!!!

      • Oo nga ano exile, ang lakas naman ng stamina nitong si Mocha kung totoo man ito, ano kaya ang ininom nya? Sana bawas bawasan nya ang pagpakita ng cleavage nya para hindi masyadong cheap tingnan. You can be sexy without showing your cleavage kasi kita naman yong katawan nya na slim at very curvy at sexy talaga ang katawan niya. Makakuha pa sya ng respeto kong mag ayos sya sa panamit niya.

  4. Sana magpakatino ang babaeng ito para hindi madamay at marumihan ang imahe ng kababaihan sa Pinas. Ito na nga tinatawag na nga itong si Solenn, Anne at Ruffa na mga Bimbo ng French, dagdagan pa nitong Mocha na ito. Itong mga artists kailangang mag-ingat dahil iniidolo sila ng mga kabataan. Mag-ingat sa pananamit at pananalita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.