Mobile Patrol, Niratrat; 3 Pulis, Kritikal

TATLONG MIYEMBRO ng Caloocan City Police ang mga nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan habang nakaligtas naman ang isang kasamahan makaraang tambangan ng mga hindi nakikilalang suspek habang nagsasagawa ng routinary patrol sa nabanggit na lungsod kahapon ng umaga.

Ang mga biktima na nakaratay ngayon sa Commonwealth Hospital ay sina PO3 Edmond Bueno; PO2 Celbert Opfalla; PO2 Don Rico Mendoza na pawang nakatalaga sa Caloocan North Extention Office (NEO).

Samantala, nakaligtas naman sa tama ng bala ng baril si PO2 Joel Pinon kasamahan ng mga nasu-gatang biktimang pulis.

Base sa imbestigasyon ng nasabing himpilan ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente ng pananambang sa Catleya St., cor. Waling St., Camarin.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon, kasalukuyang nagsasagawa ng patrolya ang mga biktima sakay ng mobile patrol car nang biglang na lamang paulanan ng bala ng baril ang mga pulis ng mga hindi nakikilalang mga suspek habang sakay sa magkahiwalay na sasakyan.

Matapos ang pananam-bang ay mabilis na nagsitakas ang mga hindi nakikilalang suspek at iniwan ang mga duguang pulis na pawang nakahandusay sa loob ng kanilang mobile patrol car.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang Caloocan PNP ng malawakang manhunt operation laban sa mga nagsitakas na suspek para sa ikadarakip ng mga ito sa ma-daling panahon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.