Mobile Passport sa Navotas, Ilulunsad

ILULUNSAD SA Navotas City ang mobile passport sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gaganapin sa darating na araw ng Sabado Setyembre 15, 2012.

Itinalaga na rin ni Navotas City Mayor John Reynald Tiangco, ang tanggapan ng Public Employment of Services Office (PESO), para pamunuan ang mobile passport sa lungsod sa pakiki-pagtulungan ng ilang empleyado ng DFA.

Ganap na alas-8 ng umaga, magsisimula ang serbisyo ng DFA mobile passport na isasagawa sa harap ng Navotas City hall at magtatapos bandang alas-5 ng hapon.

Aabot sa 700 Navoteños ang mabibigyan ng serbisyo na nais na mag-apply ng passport para sa mga kukuha pa lamang at renewal at maaari lamang ipasa ang application form sa tanggapan ng PESO.

Ang nasabing proyekto ay isang paraan para mapabilis ang pag-apply ng passport ng mga residente sa lungsod at higit sa lahat ay hindi na mahihirapan pa ang mga ito at tipid din sa pamasahe kung mismong sa tanggapan ng DFA pa sila tutungo.

 (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.