Mobile Numbers ni PNoy, Ikinalat ng Hacker sa Facebook

ISANG PINOY hacker ang nagkalat sa Facebook ng ayon dito’y personal mobile number ni Pangulong Benig-no ‘Noynoy’ Aquino III.

Tinawag ng Palasyo na “cyber vandalism” ang ginawa ng nasabing hacker.

Tumanggi naman si Presidential Communciations Secretary Ricky Carandang na kumpirmahin kung totoong mga numero nga ng Pangulo ang inilagay ng hacker sa Facebook.

Tatlong mobile number ang ipinost ng hacker gamit ang user name na “pr.is0n3r”.

Hinikayat nito ang kanyang mga Pinoy followers na agad makipag-ugnayan sa Pangulo gamit ang mga nasabing numero.

Samantala, hindi na gumagana ang tatlong numero.

“The majority are not getting answers to so many issues. It is difficult to speak to a person through go-betweens. If we send him a letter we’re not even sure he will receive it,” ayon pa sa hacker.

Nagpakilala rin itong kasapi ng “Anonymous Philippines” na noon pa man ay nambibiktima na ng mga website ng gobyerno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.