MOA sa trabaho ng kabataang Bulakenyo, aprub na ng DOLE

MAGKAKAROON NA ng hanap-buhay ang mga kabataang Bulakenyo, out-of-school youth (OSY) man o kasalukuyang nag-aaral sa Bulacan makaraang pirmahan na ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at McDonald’s Philippines sa ilalim ng programang Special Program for the Employment of Students (SPES) kamakailan.

Ang mga kabataan ay magiging bahagi ng 4,000 kabataan sa buong Pilipinas na magkakaroon ng pagkakataong magkatrabaho.

Sinabi ni Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na magandang balita at malaking tulong ang SPES para sa kabataang Bulakenyo lalo na sa mga kabataang pangarap din na makapagtapos ng pag-aaral.

Ayon naman kay Vice Gov. Daniel Fernando, dalawang pangangailangan ang natutugunan ng programang ito, una ay ang pangangaila-ngang pinansyal, at pangalawa ay nakatutulong ito upang maihanda ang mga kabataan sa benepisyo na ito.

Samantala, sinabi naman ni McDonald’s Philippines President and CEO Kenneth Yang na naniniwala ito sa kahalagahan ng edukasyon bilang mahalagang pundasyon sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan at ang pagkakaloob ng hanap-buhay sa mga OSY ay kanilang pamamaraan upang makatulong sa mga kabataan na nais makapagtapos ng pag-aaral.

Ayon kay Chona Torre, VP for Human Resources ng McDonald’S Philippines, sasailalim ang mga kabataang ito sa parehong pagsasanay na tinatanggap ng mga regular na empleyado ng McDonald’s, kung saan 52 araw na mamamalagi at magtatrabaho ang mga kabataan.

Ipinaliwanag naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na maaaring magtrabaho ang isang kabataan ng hindi bababa sa apat na oras at hindi lalagpas sa walong oras kada araw sa loob ng anim na araw sa isang linggo.

Napagkasunduan din sa nasabing MOA na babayaran ng McDonald’s ang 60 porsyen-

to ng suweldo ng empleyado at 40 porsyento naman ay sasagutin ng DOLE. Dapat din umanong sagutin ng kumpanya ng fast food ang SSS premium ng benepisyaryo ng SPES.

Ayon kay Elizabeth Alonzo ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture and Tourism Office at siya ring Public Employment Service Office (PESO) manager, maaari nang mag-inquire ang mga nais maka-avail ng programang ito sa PESO ng kani-kanilang mga bayan.

“Ang programang ito ay hindi lamang tuwing summer vacation, ito ay buong taon na maaaring i-avail, at ang mga matatanggap ay maa-assign sa pinakamalapit na McDonald’s sa kanilang lugar,” ani Alonzo.    (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.