Mo Twister, wish ang pagka-tegi ng ina ni Ogie Diaz?!

IN A MATRIARCHAL society to which we all belong, mataas ang pagpapahalaga natin sa ating mga ina. After all, sila ang nagbigay ng buhay sa atin nang iniluwal tayo, ke sa simpleng iri tayong inilabas o sa anupamang paraan for us to see the light and the might of day.

Pero ano kayang klaseng tao ang maaaring itawag sa isang anak tulad ni Mo Twister? Hardly does showbiz know about Mo’s family background, mas lutang lang kasi ang kanyang trabaho bilang isang Ingleserong jock, who sires a beautiful daughter named Moira with former actress, now US-based and happily married Bunny Paras, and now host of TV5’s Sunday show Paparazzi.

But if you, guys, think, that this is what Mo is all about ay may itinatago siyang mas malalim na persona sa likod ng kanyang mga combative tweets: probably Mo’s real side na pilit lang niyang itinatago para mapagtakpan ang kanyang totoong mabahong imahe bilang tao, or better yet nagpapanggap bilang tao!

A self-confessed non-Twitter user, ipinabasa ng aming non-showbiz friend ang sinusu-baybayan niyang palitan ng mga tweets ni Mo at ng kaibigan-kumpareng Ogie Diaz. The exact date escaped our memory, pero lampas July 20 ‘yon nang mag-tweet si Mo—na halatang si Ogie naman ang pinatutungkulan whom he referred to as reporter—na “his mother’s upcoming death will be celebrated”.

I will not contest Mo’s philosophical viewpoint dahil sa totoo lang, death is a celebration of life. Pero magkaiba ang pagiging philosophical sa pamimilosopo, as the latter is one’s lame excuse at getting back at his detractor, kung detractor mang maituturing ni Mo si Ogie.

Still, with the help of my Twitter-user friend ay inugat ko kung saan nanggagaling ang makademonyong tweet ni Mo tungkol sa pagbubunyi ng nalalapit na pagkamatay—knock on wood!—na ipinagdarasal niya upon Ogie’s mother.

Ayon kay Mo, idinamay na raw kasi ni Ogie ang anak niyang si Moira. When I made a random check on Ogie’s tweets, oo nga naman, isinangkot nga ni Ogie si Moira… pero malinaw sa tweet ng hitad ang suhestiyon na sana’y madalaw ni Mo ang anak, yakapin at hagkan ito dahil ito ang babaeng magmamahal sa kanya.

Unsolicited advice as it sounded, klaro na walang malisya sa tinuran ni Ogie as he simply made Mo realize his paternal obligation na maaaring nakaliligtaan nito. Hardly was there any direct refe-rence to Mo’s preoccupation with other women, na kung tutuusin ay puwedeng tumbukin ni Ogie kung sino ang mas inaatupag ni Mo more than her daughter. But of course, we know who… na-RHIAN lang siya sa tabi-tabi!

Pero iba ang pakahulugan ni Mo sa tweet na ‘yon ni Ogie, si Moira na raw kasi ang binibira ng hitad. Teka, I thought Ogie had a small brain? Bakit si Moira ang pagtitripan ni Ogie, when he has children himself? Tatay sa tatay na ang usapan, what made Mo think that Ogie was picking on an innocent child na gutom sa kalinga at pagmamahal ng isang ama na mas naka-focus pa sa mga isyung na-RHIAN lang sa tabi-tabi?!

The height and the depth, ang hindi ko kineri ay ang tweet ni Mo ay ang “upcoming” death ng ina ni Ogie worthy of a celebration. Upcoming talaga?

No wonder, Mo’s tweet gene-rated negative reactions. May ina ba siya? Paano ba siya pinalaki ng kanyang ina? Umabot na ba sa puntong nananalangin siyang mamatay ang ina ng kanyang kaaway, kesa sa mismong kaaway niya?

By the way, hindi man aminin ni Mo na nagkabalikan sila ni Rhian Ramos na nilaglag din niya sa Twitter… ang tanong:  had Rhian turned down his despe-rate bargain for a reconciliation, would Mo also wish for a tragedy to fall upon her family?

Ma at Pa… Malamang at Pa-nigurado!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

13 thoughts on “Mo Twister, wish ang pagka-tegi ng ina ni Ogie Diaz?!

  1. BUTI NAMAN YANG SI MO E INIWAN NA NI RHIAN. IS IT TRUE NA BUNTIS DAW SI RHIAN AT NONSHOWBIZ ANG AMA? BUTI NGA KE MO, FEELINGERONG NATIKMAN NIYA  SI RHIAN E IBA NAMAN PALA IYUNG NAKABUNTIS 

  2. C MO NAMAN KASI ANG AYAW TUMIGIL SA KADADAK DAK EH!!KAYA AYAN NAPAG SABIHAN NATAMAAN CGURO EGO NYA!!!! NAPAKASAMA TALAGA YANG MO NA YAN!!! SANA MABALIGTAD YANG SINASABI NYA. SANA MANGYARI YAN SA KANYA !

  3. well Mo is defensive, guilty e?!?
    it’s true that he’s a good dj BUT what he just said, on wishing someone’s parent to die..was just way out of the line. l
    umalabas ang tunay na kulay nya pag napikon no?
    ***

  4. SUS! feelingero naman yang MOkhang TANGA n yan….. halatang halata s pagmumukha nya n USER, GOLD DIGGER, MAYABANG, HAMBOG, FEELINGERO, at higit s lahat INSECURADA.. filing ku nga bading naman talaga yan..tinatago lang tunay n pagkatao..pero kahit anong tago…pilit paring umaalingasaw ang baho ng ugali! kalalaking tao DAKDAKERA….daig pa ang tunay na BAKLA….. mas maiintindihan ko pa kung aminin nyang bakla sya kaya sya TAKLESA…pero ano..feel nya susyal pa sya! samantalang trying hard naman ang putsa! lahat ng past issue nya…tumitira sya ng below the belt para masaktan ng todo ang mga kaaway nya, pati nga c RHIAN nung mag away cla kulang n lang sabihan nya…nalawayan ko n yan! sus…magbago n…milenyo n!

  5. mr. writer, obviously, di ka nakikinig kay mo.  siguro ang nangingibabaw sa’yo e ang pagiging magkaibigan ninyo ni ogie or ang galit mo kay mo.  you should know who you are taking sides on.  i can’t remember anybody na nanalo ng dahilanan kay mo.  you may say na fan ako pero hindi.  avid listener lang so i understand mo’s philosophy.  maiinitindihan mo siya pag nakikinig ka sa kanya.  he can be seen as mayabang pero if you observe and listen to him maiinitindihan mo kung bat ganun siya umasta.  anyway, kahit anong paliwanag ang gawin ko wala rin naman sa’yo e kasi naisulat mo na yung dapat mo isulat.  good luck na lang…and by the way, di nagpi-pray si mo kasi he doesn’t believe in God.  he loves his mum pero di naman kelangan pang ipangalandakan niya sa mundo diba?  nga pala, personal mong tanunging kay bunny paras kung masama ngang ama si mo hindi yung nanghuhusga ka ng ganyan…

  6. tse mga pa good itong mga eto lalo na si angie. Bruha!!! inggit lang kayo kay mo!!! Hayup!!! your no 1!!! belat mga panget!!!! go dj mo!!!

  7. tse mga pa good itong mga eto lalo na si angie. Bruha!!! inggit lang kayo kay mo!!! Hayup!!! your no 1!!! belat

  8. tse mga pa good itong mga eto lalo na si angie. Bruha!!! inggit lang kayo kay mo!!! Hayup!!! your no 1!!!

  9. for sure ang pagiging mayabang at prangka ni Mo ay cover up lang nya dahil sa tingin ko sya ay may problema sa kanyang sarili mismo. if he has a good relationship with his mother, kahit siguro sino maging kaaway mpo never mong sasabihin ang bagay na yan tungkol sa nanay nya. it only shows na wala rin syang respeto sa nanay nya…really!!! he’s sick in the head…doctor lang katapat nyan!!!

  10. KADIRI TALAGA TONG BINABAE NA MO!! BAKLA.. NAG KA ANAK LANG KAYA SIGURO DI MADDDDALWEA O MAPAKAIN MAN LANG ANG ANAK NYA.. MAHIYA KA MO DATI NGA SA SILONG NA STUDIO LANG NAKATIRA SA US ANG MAG INA MO BUTI NA LANG HINDI NA NGAYON..KAPAL MO!

  11. Guilty lang si Mo..kasi naman hindi naman talaga siya involved sa growth and development ng anak niya. Also, Ronnie..if you are saying journalist ka talaga..sige nga..halughugin ninyo at hanapin ang ang angkan ni Mo sa US, etc. and do an interview and halungkatin ang buhay ni Mo. Saludo ako kung magagawa ninyo iyon…para naman hindi puro tanong kung bakit ganyan ang pagkatao ni Mo..and alos para na rin matanggal ang dakdak ni Mo.

  12. This mess will not happen if Ogie will stop messing with Mo. Talagang ganun mahilig umatake si Ogie kaya kung aatakihin sya dapat tanggap nya yun kahit ano pa ang gamiting issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.