Parazzi Chikka: Mo Twister, walang yagbols!

“mark my word, let me proclaim, i believe rufa mae quinto is engaged to mikey arroyo. who wants to bet im wrong?”

Hindi na naman lumabas si Rufa Mae Quinto sa show nila ni Mo Twister kahapon, September 6, 2009. Nag-tweet (updates mula sa twitter.com) daw kasi itong si DJ Mo na ang itinatagong boyfriend ni P-Chi ay si Mike Arroyo, the presidential son. Naasar daw si Rufa Mae sa nasabing tweet ng kanyang co-host kaya naman hindi na naman ito nagpakita sa Showbiz Central. Todo-deny naman si Mo Twister nang tanungin s’ya ni John Lapuz kung totoo nga ang ikinakalat n’ya sa internet. Nag-jo-joke lang daw s’ya at hindi n’ya raw akalaing kakalat ito.

Well, well, well, paano namang hindi kakalat ‘yon eh 6,475 ang followers mo sa twitter, DJ Mo? Hindi ka ba marunong magbilang? Ngayong kumalat na nga nang bonggang-bongga ang pagpapapansin mo, bigla mo namang binawi, huh! Nakipagpustahan ka pa nga sa tweet mo. ‘Kala pa naman namin may yagbols ka.

Parazzi Chikka
by Faith Salazar, Photos by Luz Candaba

Related Post

loading...

One thought on “Parazzi Chikka: Mo Twister, walang yagbols!

  1. Wala talagang b_etlog si DJ Mo. Biglang ikot, 360 degrees. Sinungaling. Irresponsible journalism, plain and simple. Pati angak niya, hindi kayang suportahan. Wala talagang b_ayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published.