Mo Twister, sinasadyang magpaka-kontrobersiyal!

MAYABANG, BRUTALLY FRANK, tsismoso, at intrigero. ‘Yan ang tingin ng marami kay Mo Twister na regular nating napapanood bilang isa sa hosts ng Juicy at Paparazzi. Malayo sa totoong siya once you get to know him personally.

Ang hindi nga rin alam ng marami, galing si Mo sa isang mayamang pamilya na nakabase sa Amerika. They live in Malibu, isang lugar na tirahan din ng ilang kilalang Hollywood celebrities. Pero simple lang siya kung umasta. Walang bahid ng kasosyalan.

“Well… I grew up in a familya nga na… fortunate naman kami,” aniya nga. “Pero ‘yong Mommy ko, naghirap din sila no’ng bata pa siya. She’s a true rags to riches na story. Na seven years old, nagtitinda sa palengke.

“She has done some businesses like in the medical field and other form of trading-ins. She made her first million dollars when she was in her mid 30’s. But prior to that, it was a very, very difficult life. Na nakiki-share lang kami ng apartment with another family.

“Grade four na ako when I started feeling na may kaya pala kami. Nakikita ko na – wow, bago na ang mga gamit namin.  May kotse na kami. May bahay na kami. May two houses na kami. May three houses na kami. May five houses na kami.  You know… like that.

“At ang ganda nga ng x-deal namin ng parents ko, eh – study hard, don’t drink, don’t smoke, pero we’ll buy you anything you want. And you know, my siblings and I, we’re very studious people. Pero no’ng my driver’s license na kami, may bagong car na kahit anong kotse na gusto namin… parang that’s what happened. We’re five… two boys and three girls, I’m the third, pero none of us drink or smoke. None of us do have any vices.”

Sa pagpasok niya sa showbiz, totoo nga bang sinadya niyang magpa-kontrobersiyal with that forbidden questions sa kanyang radio program kung saan nga siya nakilala at pinag-usapan nang husto? Kasi iniisip niya raw kung paano siya mapapansin sa panahong ang daming guwapong sumisikat na male personalities gaya niya Piolo Pascual, Dingdong Dantes, at iba pa?

“Lahat naman tayo, sinasadya na gumawa ng gimik para kumita o sumikat, ‘di ba? Whether sa anumang field like halimbawa sa newspapers o sa pagsusulat, na you always have to come with explosive headlines… that’s the point, ‘di ba? So that’s what I did.

“Pero hindi ko naman sinasadyang mang-away ng tao. Sinasadya kong maging ccontroversial, of course.

“But if somebody’s feelings are hut, I’ll be the first person to apologize. Ang daming beses no’ng time ko sa radio show na ang daming feelings na na-hurt. And I called them.”

Okey lang ba na until now, ang tingin sa kanya ng mga hindi siya personal na kilala ay mayabang nga, intrigero, at tsismoso?

“It’s fine. It’s okay. It’s my job. I understand my job. My job is to be loved or hated by many people. But I wish that they see also the other side of me. I wish for it. For that time to come. But if it doesn’t come, okey lang.”

Nali-link siya ngayon kay Rhian Ramos. Kahit sinasabi ni Mo na magkaibigan lang sila ng young actress, hindi mawala-wala ang tsismis na something special is going on sa pagitan nilang dalawa.

“Rhian is great! You know – she’s amazing. We have a really good friendship.

“Yes, we’re really friends. We’ve been friends for a few years na. This is the closest that I can say we’ve been. But we’re not dating. Maybe one day!” Natawang sabi ni Mo.

“We see each other regularly. We talk. We talk about a lot of things – games, technology, travel, also showbiz… everything.”

Hindi raw siya nanliligaw kay Rhian. Pero ano ‘yong pagiging malapit niya sa aktres?

“I don’t know. I’m not courting her formally. I think she’s aware that I have a crush on her, but I’m not the type na nagiging aggressive sa panliligaw or anything.”

Aminado si Mo, may pagka-torpe raw siya pagdating sa babae. Lalo’t kapag gustung-gusto raw niya ‘yong girl.

“Yeah. And this is the second time that I admitted I have a crush (kay Rhian nga). Pero if you wanna ask me kung anong nagpipigil sa akin na manligaw – torpe nga ako. I’m not very good on it. Kung ‘yong formal na panliligaw.”

Kung tatame-tameme siyang gano’n, mamaya maunahan siya ni Aljur Abrenica kay Rhian na leading man ngayon ng aktres sa bagong serye ng GMA-7 na Ilumina. May nasabi pa nga ang dalaga na tila wini-welcome ang idea na baka sa pagtatambal nilang ‘yon ay magkagustuhan sila ng dating kapareha ni Kris Bernal.

“That’s fine. Eh, tingnan mo naman ang hitsura ni Aljur, napakaguwapo,” natawang reaksiyon lang ni Mo.

So… meron pala siyang insecurity na hindi siya puwedeng makipagsabayan ng panliligaw sa isang babae kung mga guwapo talaga ang magiging karibal niya?

“Not really. But just to be realistic na – if I like a girl and a guy like Piolo (Pascual) or Aljur or whoever matinee idol like Gerald Anderson also likes the girl, siyempre parang ang isip ko eh, idadaan ko na lang sa humor ko!” Natawang sabi pa ni Mo.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleAlyssa Alano, nilinaw na ‘di nakarelasyon si Mikey Arroyo
Next articleParang Nakawala sa Hawla: Gerald Anderson, may iba pang girl bukod kay Bea Alonzo?!

No posts to display