Mo Twister, Kapatid na!

MATAGAL NANG USAP-USAPAN sa iba’t ibang pahayagan na may alok ang TV5 kay Mo Twister na lumipat sa TV5. Ayon sa mga chika, si Mo Twister talaga dapat ang kasama nina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez sa Paparazzi. Last minute lang idinagdag si Dolly Ann Carvajal dahil hindi pa tapos ang kontrata ni Mo Twister sa Siyete.

Sa ginanap na Trade Launch ng TV5 sa World Trade Center noong March, naispatan doon si Mo Twister. Kaso lang, ito ay nakaupo lamang na tila isa lang sa mga audience. Hindi pala natuloy ang dapat na paglipat n’ya dahil hindi siya pinayagan ng Kapuso network.

Nabigla kami nang mapanood namin ang Paparazzi kahapon dahil kasali na sa nasabing talkshow si Mo Twister. Halatang masaya ang host dahil sa wakas ay nasa Kapatid network na siya. Lalong naging mainit ang episode kahapon nang mainterbyu ng press mismo si Mo Twister. Nakakatawa nga dahil nakatapat niya ang dating nakaaway na si Cristy Fermin (na co-host pa niya ngayon, ah!) at ang showbiz writer na si Jun Lalin. Naaliw kami nang tinanong ng kaparazzi nating si Joey Sarmiento, kung meron ba raw itatanong si Mo sa kanyang tatlong co-hosts (Dolly, Ruffa and Cristy), ano raw ‘yun? Hindi na namin ikukuwento ang buong kaganapan dahil talaga namang kontrobersiyal na episode ito.

Naaliw kami nang mabalitaan na kasama na rin si Mo Twister sa Juicy, na araw-araw napapanood sa Kapatid network. Patuloy pa rin siyang nagba-blog sa http://www.motwister.com. Ano kaya ang susunod na gagawin ng napaka-unpredictable star na ito?

Comments? Questions? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.