Mo Twister is silent when it comes to issues involving his daughter with Bunny Paras

MATAGAL NANG ISYU ‘yong diumano’y hindi pagbibigay ng financial support ni Mo Twister sa anak niya sa dating aktres na si Bunny Paras na ngayon ay nakabase na sa Amerika. At tahimik lang naman ang controversial DJ at talkshow host tungkol dito.

Hindi sa deadma siya about it. Wala lang daw kasing nagtatanong sa kanya kahit may mga press people na every now and then ay nag-i-interview sa kanya. Pero okey raw naman silang mag-ama at nagkakausap through phone paminsan-minsan.

“Well… siguro naman, maybe one day, you’ll interview my daughter and ask her. Kasi it’s something like I don’t wanna talk about,” sabi nga ni Mo last time when we visited him sa Paparazzi.

“I know naman that I’ve been supporting her for years until now. And even if Bunny legally has decided to legally make her husband as the father of Moira (their daughter) and not me, so parang… legally I’m no longer her father, you know.

“But, uhm… still that’s not gonna take away my love for her. And the support that I have for her.

“It’s difficult to go through ‘yong process ng isang family na ganito na may legalities and stuff like that. But you know, I’m not gonna tell you the amount, or anything like that. I mean it’s just something that I’ve been doing for many many years now.”

Halos teenager na rin si Moira. Payag kaya sakaling sa mga darating na panahon ay magsabi ito sa kanya na gusto rin nitong pumasok sa showbiz?

“I’d rather not. Maybe if she had a better foundation in terms of not growing up with always mga intriga, eh. Kasi lahat ng mga features ni Moira eversince she was a baby was always medyo intriga, eh.

“There was never a positive side of showbiz na na-exposed si Moira, eh. So parang… gusto ko sana, maybe hindi na.”

Sa bagay, maraming beses nang naranasan na ni Mo na mahagupit ng matitinding intriga. Na bukod sa pagiging kontrobersiyal niya lagi, nagiging sobrang negative na ang dating niya sa publiko bilang numero unong tsismoso, intrigero, at ama na binabale-wala lang ang obligasyon sa anak.

“Yeah! I accept naman na gano’n talaga ang mga tao. Hindi naman ako nagsi-share sa public kung ano ba ang nangyayari sa anak ko. I’m not the type who would talk about it. So, siyempre kung tahimik ka, mukhang guilty ka!” natawang sabi pa ni Mo.

“But… it’s really not that. I don’t want my daughter to go to school tapos ‘yong mga classmates niya sinasabi – o, ‘di ba ikaw ‘yong anak ng controversial DJ?

“I’ve got into enough trouble on my own. Ayoko namang ipamana ‘yon sa anak ko! Ha-ha-ha! So I tried as much as possible to be quiet.”

Kung paninindigan niya ang pagiging quiet, parang hindi na siya si Mo Twitter, este… Twister! Ganyan?

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

11 thoughts on “Mo Twister is silent when it comes to issues involving his daughter with Bunny Paras

  1. Asdsad, kung ang utak mo ayaw gumana at wala kang ibang maisulat, doon ka na lang sa sulok mo at mangulangot. Diyan ka naman sanay, di ba ?

  2. Asdsad, his child has an illness, physical, not mental handicap. Ignorante na katulad mo ang matatawag na abnoy. Bao siguro ang utak mo. NINCOMPOOP. hANAPIN MO SA DICTIONARY ANG IBIG SABIHIN NITO. MARUNONG KA BANG MAGBASA ?

  3. Mo Twister, you, obviously, are a DEADBEAT DAD. Kulang ka sa pagsuporta sa anak mo. Signing the adoption agreement most likely freed you of your responsibility. Malaki siguro ang utang mo sa anak mo (based on child support laws dito). Puwede kang makulong. HUWAG KA NANG MAGSINUNGALING.

  4. Minor ang anak mo. When they went through adoption proceedings, PINIRMAHAN MO SIGURO KAAGAD, hINDI BASTA BASTA IPAPA-ADOPT ANG ANAK MO NA WALA KANG CONSENT.

  5. CONROVERSIAL DJ??? hello ikaw lang ang nagpapa controversial sa sarili mo,,,papansin ka kase…because you are ugly you are papansin and insecure as well.hahaha…..dinadaan sa pagiging tsismoso..mukha mo parang naboksing ni pakyaw…hahahaha….ang sabihin mo isa kang CONTROVERSIAL TRYING HARD UGLY MAN !!!!!!!!!!!

  6. GAGO TALAGA ITONG PANDAK NA LIIT ETITS NA ITO (PER CRISTY FERMIN)…….PANAY ANG PORMA SA MGA CHICKS EH NAPAKA IRRESPONSABLE NAMAN………DAPAT IREKLAMO SIYA NI PARAS SA MANAGER NIYA PARA DERECHO KALTAS………SANA MAWALAN NA NG WORK ITONG UGOK NA ITO

  7. kawawa lang anak mo ni minsan hindi ka pa niya nakikita tsk.tsk… dinadaan lang sa text text….

Leave a Reply

Your email address will not be published.