Mo Twister is not bothered by German Moreno’s accusations against him!

HINDI NAMAN KINAKABAHAN si Mo Twister tungkol sa isyu nilang dalawa ni Kuya Germs (German Moreno), lalo na sa gagawin umano ng Master Showman na pagrereklamo laban sa kanya. Isa sa mga binigyang-diin ni Mo ay ‘yung tungkol sa lagi na lang napapag-usapang panunumbat, na dahil umalis na nga raw si Shalala sa programa sa telebisyon at radio ni Kuya Germs, wala na raw utang na loob si Shalala, samantalang si Shalala naman daw ay hindi nakakalimot sa pinagsamahan nila ni Kuya Germs.

Iyan din naman kasi ang mahirap sa ugali ni Kuya Germs. Lagi na lang siyang mayroong panunumbat, kaya parang kung siya rin lang ang tutulong sa iyo, magdalawang-isip ka rin naman. Na baka pagdating ng panahon, kung ano ang nagawa niya para sa iyo ay isumbat lang. Kapag medyo nakalimutan mo na kasi si Kuya Germs, kung anu-ano na ang sinasalita niya.

Nu’ng panahong nawalan na sila ng communication ni Sharon Cuneta, sabi ni Kuya Germs: “Tatay-tatayan naman niya ako, at nagsimula rin naman siya sa akin. Pero ngayon, ‘pag kailangan ko siya, hindi ko na siya makontak. Inaanak ko si KC Concepcion, pero nu’ng pumasok siya sa showbiz, hindi man lang ako tinanong.”

Nang imbitahan niya si Governor Vilma Santos sa kanyang Walk of Fame, at hindi nakadalo ang Star for all Seasons, ang litanya ni Kuya Germs: “Bakit gano’n, may ginawa rin naman ako para sa kanya, ah?”

Kapag hindi rin napagbigyan si Kuya Germs sa kanyang mga iminumungkahi, ang haba rin ng kanyang mga pagmamaktol, gaya ng naramdaman niya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, para maging City of Stars ang Q.C.

Bilang komedyante, si Kuya Germs talaga ang dahilan kaya nakilala si Shalala. Pero hanggang du’n na lang ‘yung kasikatan na ‘yon nu’ng nasa GMA-7 pa si Shalala. Ngayong nasa TV5 na si Shalala, nagkaroon talaga ng malaking pagbabago. Bukod sa mas sikat siya ngayon, nagbago rin ang takbo ng kabuhayan niya. Dapat maging proud na lang si Kuya Germs, na kung hindi man sila nagkakasama ngayon ni Shalala, naging instrumento rin naman siya para sa pagsikat ng dati niyang kasama.

INIINTRIGA NGAYON SI Angel Locsin, na nagiging maramot na naman daw pagdating sa pagkukuwento tungkol sa kanyang lovelife. Natural, sa mga panahong ito, kung ang tutumbukin ng usapan ay ang tungkol sa lovelife niya, laging papasok sa usapan ang pangalan Phil Young-husband na ilang buwan nang nali-link sa kanya.  Hindi naman maramot sa maraming bagay ang magandang aktres, kaya mas tama lang sabihing matipid siya ngayon sa pagkukuwento tungkol sa closeness nila ng binatang atleta.

Halatang-halata rin naman kasi si Angel kapag mayroong bagong lalaking nagpapasaya sa kanya. Ngayon kasi, umiiwas na si Angel na lumalim ang kuwento kapag si Phil ang itinatanong sa kanya. May nalalaman na ngayong pakiusap ang alaga ni Manay Ethel Ramos, na irespeto na lang daw ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Phil. Kasi nga, nakukulitan na rin siguro siya sa mga sinasabing kung magkaibigan lang silang dalawa, eh, bakit pinayagan niyang sumunod sa kanya sa Hong Kong ang binata habang siya’y nagbabakasyon?

Si Angel din kasi ang tipo ng artista na marunong magsalita sa tamang panahon. Makakasira nga naman si Phil sa promo ng pelikulang In The Name Of Love na pinagbibidahan nila ni Aga Muhlach sa Star Cinema, kung sa mga panahong ito ay sasagutin niya ang tanong kung ano na ba ang real score sa kanilang dalawa ng pinakasikat na miyembro ng Azkals?

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Mo Twister is not bothered by German Moreno’s accusations against him!

  1. Ito ang masamang ugali ni Germs, sinusumbat niya sa lahat ng naging talents niya feeling niya ata sya ang diyos sa showbiz. Nagamit naman niya ang mga talents niya so gamitan lang yan. buti nalang iniwan na sya ng mga ibang artista. pag madaling araw nalang kasi sya walang na syang kinang. lol

  2. Ayan nabasa ko just now sa stir.ph na parang sinabi sa title ng article na sinulat ni Edgar Cruz written on May 6 , that says “LONG-TERM ABUSE CAUSES RHIAN AND MO’S BREAK UP” kasi para daw nag tweet itong si Rhian hinting about the abuse.

Leave a Reply

Your email address will not be published.