Mo Twister, inaakusahan si Rhian Ramos na nagpa-abort?!

KAMI ANG BINABATO ng tanong porke nakaaway namin dati (at hanggang ngayon, hindi pa rin naman kami ayos, tumahimik na lang ang magkabilang kampo) si DJ Mo Twister.

Ano raw ba ang masasabi namin sa mga tweets ni DJ Mo tungkol sa abortion? Totoo raw bang galit na galit ito kay Rhian Ramos, dahil dapat sana’y magkakaanak na sila, pero ipina-laglag lang ni Rhian?

Actually, honestly, hindi namin alam ang isasagot dito, dahil unang-una, hindi namin kilala nang personal sina Mo at Rhian at hindi rin kami privy sa mga nangyayari sa kanila during their relationship.

‘Yung isyung kung nagpa-abort ba si Rhian ay isang akusasyon. Hindi pa kumpirmado. Nananatiling tsismis. Pero kapag pinangalanan ni Mo (for example) si Rhian nga ‘yung nagpa-abort, depende kay Rhian ngayon kung idedemanda niya si Mo o idededma na lang niya ito.

Ano sa palagay n’yo?

 

SA KULTURA NATING mga Pinoy, ang isang sanggol (kahit fetus pa lang siya o heartbeat pa lang siya) ay itinuturing nang biyaya ng Diyos kahit pa ito’y dulot ng “unwanted o unplanned pregnancy”.

Whether si Rhian ‘yon o ibang babae ang ipinapahiwatig ni Mo na “ipina-abort” ang baby nila, maling-mali ang abortion.

Si Mo ay kilalang-kilala na kung ano ang saloobin, ‘yun ang kanyang ibubulalas. Kahit pa pangit sa pandinig o makasakit man ng damdamin ng ibang tao ang pakakawalan niyang salita, wala siyang pakialam.

Pero sa puntong ito, na hanggang ngayon ay nagagalit siya kumbakit ipina-abort ang baby nila ay damdamin na niya ‘yon. Hindi na natin saklaw.

Maaaring ‘yung iba, maiintindihan si Mo. ‘Yung iba nama’y hindi siya maiintindihan, lalo na ‘yung mga galit sa kanya na kung anu-ano ring masasakit na salita ang ibabato sa kanya ngayong siya naman ang nasa gitna ng isyu.

Anyway, hindi para batuhin namin si DJ Mo ngayon, porke sinabi niya noon na magse-celebrate siya ‘pag namatay ang nanay ko. Bagkus ipinagdasal ko pa ang nanay niya para mas humaba ang buhay nito.

Hindi rin para sabihin naming ang bilis ng karma kay Mo sa ginawa niya sa aming ina, dahil noon pa, kahit hindi pa siya humihingi ng tawad ay natutuhan na namin siyang patawarin.

Kesa mag-wish ng karma sa kapwa, lagi na lang naming sinasambit ang mga salitang, “Hindi naman natutulog ang Diyos.”

Kaya kay DJ Mo, sa kanyang pinagdadaanan ngayon, sana ay malampasan niya lahat ng ito. Kung sa palagay niya’y madali siyang makalilimot kung maninirahan na siya sa ibang bansa, idasal din niya’t humingi siya ng senyales kung tama ang gagawin niya.

At kung kami kay Mo, ‘wag na siyang magparinig sa twitter. Harapin na niya ‘yung taong involved sa abortion.

Pero nagpa-abort nga ba?

 

FAMILY DAY SA ilang schools nu’ng Sabado. At hindi kami naiiba riyan, dahil kami ang um-attend para sa tatlo naming anak na nag-aaral. Wala kasi ang madir, nasa London.

Si Aiko Melendez din ay nag-tweet. Nasa Family Day naman sila sa school ng inaanak naming si Andrei. Kasama ni Aiko ang anak naman niya kay Martin Jickain na si Marthena.

At nakakatuwa na nandu’n pa si Jomari Yllana. Nakakatuwang pagmasdan sina Jom at Aiko at abot hanggang tenga ang ngiti ni Andrei, dahil kumpleto ang kanyang family sa school.

Kung natatandaan pa namin ang sey sa amin ni Aiko, “Kung me babalikan man ako sa ama ng mga anak ko, siguro, si Jomari ‘yon.”

‘Yun na!

I’m sure, gano’n din ang sagot ni Aiko kung kanino niya gustong makipag-”for old time’s sake.”

 

WAG N’YONG KAKALIMUTAN ang aming online teleradyo, just log on sa www.facebook.com/vibestayo tuwing 4pm, ha?  Makipagtsismisan sa amin at maki-chat na rin at pa-like ng aming fanpage, ha?

Basta may internet connection, pasok ka sa banga. Sundan n’yo rin po kami sa twitter (@ogiediaz).

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

21 thoughts on “Mo Twister, inaakusahan si Rhian Ramos na nagpa-abort?!

  1. kung ako man si rhian, kesa naman lumabas sa mundo ang anak ko na kamukha ni dj Mo eh i pa abort ko din:-) imgine araw araw mukha ni dj mo ang makikita mo, wagas na wagas na kaparusahan naman yun

  2. lol, andaming ng gagagu ky MO, mga ulul, eh muka namang si rhian ang halos nag desisyon na ipaabort to, malamang tutol si Mo, pero wala syang magawa..pinili ni rhian ang career nya, kesa sa anak nya…dapat lang sa kanya yan..my karapatan magalit si Mo, at kung naikalat man ang video, wala ng magagawa, sinira lng ni Mo ang career ni Rhian, pero si Rhian sinira ang buhay ng anak nila ni MO..simple logic di nyo makuha mga uguk

  3. MAY MGA NALALAMAN PA KAYONG “KLOK” AT “KLIK” BASTA SI MARIAN NO. 1!!!!!!!!!!!!!!GMA THE BEST!!!!!!!!!!!!!!!!LAHAT NG KAPANGITYA MGA KLOK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!…………HAHAHAHA

  4. hinde si rhian ramos ang tinutukoy ni mo twister sa twitter si piolo ito na nagpaabort ng nabuo nila ni mo at nahuli sila ni kc

  5. IPINA-ABORT DAW ANG BABY KASI MAY CONGENITAL DISEASE DAW NA GALING SA GENES NI DJ MO TWISTER! MAMAMATAY DIN ANG BABY AT KUNG MABUBUHAY DAW PARANG MENTALLY RETARDED AYUN SA ULTRA SOUND ANALYSIS NG MGA DOKTOR. DAPAT DAW KASI AY HINDI NA DAPAT NAGKAKAANAK SI DJ MO KASI NGA CARRIER SYA NG GENES NG CONGENITAL DISEASE. DAPAT MAGING RESPONSABLE SYA!

  6. Hindi lahat ng pangit na mag-asawa o magdyowa ay nagkakaroon ng KLOK (panget) na mga anak. Dame kong nakikita dyan sa pinas na KLOK ang mga magulang pero CLICK (magaganda) ang mga anak. Maganda naman si rhian kaya pwede rin syang magkaanak ng maganda.

  7. Ay MOnggo! bumalik ka na sa Noo York! Hindi ka sisikat duon…Si Howard Stern lang ang puwedeng man-torture ng mga guests niya. Wala ka sa kalingkingan niya….O sige taga walis ka ng Uuu Oh ng Kabayo sa Central Park! BABOOOO!!!! We will wait for you there, kasi alam namin ang Manhattan– magkikita kita tayo jan!!

  8. Until the other party talks, everything is hearsay. Mukhang HIT AND RUN ang ginawa ni Mo. Nagkalat siya ng lagim sa tweeter at nag insinuate ng abortion, pagkatapos tatakbo dito para magtago. Biyaheng New York siya ngayon pero wala namang trabaho. Hindi ba nakakapagtaka ito ? Hindi kaya takot na makasuhan at mademanda ? However, he did not name names and it is easy for him to lie and say he is not referring to Rhian. Idinadahilan ang anak na may sakit sa pagbalik niya rito pero DEAD BEAT dad naman siya. Matagal ng hindi sinusuportahan ang anak at bihirang bisitahin. MO is the SCUM of the earth,

  9. Maganda talaga si Rhian pero kasalanan kasi yan ni Rhian dahil alam na niya ang pagkatao ni Mo, ang pagka foul mouth nito at ang pagka dakdakera ng bibig, (base sa mga past awayan, maski mga babae hindi pinalampas ni Mo sa awayan) nakipag close pa rin itong si Rhian kay Mo. Kaya yon she deserves what she gets now. Hindi yata naalala ni Rhian noong sa Radio Station ni Mo na ang daming sinisiraan ni Mo at daming kaaway ni Mo dahil sa pagka kiss and tell nito na parang God. Sa ginawang pag tweet ni twisted Mo na yan, it confirms na his reactions has done justice to what people have been saying that he is a bad person. At sa tingin ko, parang dahil nagkahiwalay sila, and he is going down and sad, he might as well take Rhian down with him. Parang ganuun na nga ang dating sa mga tweets niya. First si Ruffa ang kiss and tell, then came Mo Twister. Well, people you know now who not to associate with in the future. Sigi mga artistang lalaki, makipag relasyon kayo kay Ruffa at maging JLC part 2 din kayo, at sigi mga artistang babae, makipag relasyon din kayo kay Mo, maging Rhian Ramos din kayo part 2. There is always the BIG WORD “KARMA” out there…………

  10. alam mo dj mo twister dapat sayo patayin na eh at tahiin yang bunganga mo sa katablan,wag na wag kang pumunta ng mindanao dahil ipapatira ka namin dito pra mawala kana nang tuluyan. pati si rhian idinamay mo pa,alam mo ang babe minamahal yan di sinasaktan.hayop ka talga.

  11. KUNG NAGPA-ABORT MAN SI RHIAN AY HINDI NA DAPAT PA IKALAT NI MO BADING YAN….KAPAL NG MUKHA BUTI NGA PINATULAN KA PA EH SOBRANG GANDA NI RHIAN PARA SA IYO……..NEXT TIME ANG BUNTISIN MO EH SI MAHAL YAN PUEDE KA DYAN

  12. Pero dapat hindi pa rin pinatay ni rhian ang anak niya. Kahit naman siguro na pangit si MO at sobrang madaldal o sabihin na lang natin na me kapangitan sa ugali niya ay hindi pa rin dapat isisi ke Mo kung bakit siya pinatulan ni Rhian. Hindi lang pala minsan na nag pa abort si Rhian dalawang beses na raw eh parang ginagawa na niya HOBBY ang pagpatay ng bata. Pag dalawang beses ka ng nag pa abort talagang mamamatay tao ka na. Ang pagpatay sa sanggol ay para rin yan sa pagpatay sa ibang tao murder pa rin yan. Isa na siyang mamamatay tao at sa mismo pa niya sariling ANAK… Mas gugustuhin nyo pa ba na magkarun ng pera at kasikatan natatakot kayo na malaman ng mga fans nyo o natatakot kayo na hindi na kayo sisikat kaya walang atubili na lang na patayin ang bata sa sinapupunan kapalit ng pera at kasikatan?….. Buti na lang at nagsisisi si MO na napatay ang anak niya dahil ayaw niya na patayin ang baby pero tinuloy pa rin ni Rhian ang pagpatay sa anak niya… Kung titignan mo si Rhian parang hindi nakapatay ng bata nagpapa seksi pa rin all out smile at talagang mas gusto pa niya pag usapan ang career niya yung baby bukod sa tinggalan na nga ng buhay; pinagkaila pa siya ng nanay niya. Si rhian ang tipo ng babaeng hindi dapat binibiyaan manganak at magkarun ng anak. at malamang ngayong WALA NA SI MO next year me BF na naman yang si Rhian at makikipag live in na naman pagka nabuntis na naman papatayin na naman ang bata tskk.tsk..stk…

  13. Engot dn kc si Rhian alm nmn nya ang history ni Mo eh.alm nmn nya n noon pa madada n yang MO n yan bkit nya jinowa eh db nya naisip n pag d sila nagkatuluyan (na nangyre n nga ngyn) mgging kwawang biktima xa ng pgiging KISS and TELL ni MO.hay ewan

  14. para nman kasing bakla yan c MO, putak ng putak kung gus2 talga nya sabihin e wag na paligoy ligoy pa.. Daig pa nya ung babae puro salita. E reveal mo na kung cnu yang cnasabi mo para mag kalinawan na! huh brod wag masyado madada…

  15. uso naman sa showbiz ang abortion. baka naman naninira lang si mo kasi bitter sya kay rhian o kung totoo man, habang buhay nang kargo de konsensya na ni rhian yan. pero mga teh, si mo ang magiging ama ng supposedly anak nila ni rhian? yuck hindi bagay, ang panget siguro ng anak nila hahahaha. ang ganda ganda ni rhian tgapos si mo? bansot na tsanak. hahahaha! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.