Mo Twister and Rhian Ramos have sex scandal?!

OLA CHKIKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes! Thanks God it’s Friday! At talaga namang nakakaloka ang mga intriga at isyu ngayon na pinipilit ko na ngang ‘wag makisawsaw o makisali sa isyu ngayon kay DJ Mo Twister at Rhian Ramos. Pero talaga namang kapatul-patol na rin ang isyu.

Bakit naman kasi kai-langan pang i-tweet ni Mo ang lahat ng eksena nila ni Rhian… ang kanilang pagli-live-in at pagtse-check-in sa hotel? Talaga namang below the belt na ang mga eksena nila ngayon na nakakasira talaga kay Rhian ang isyu.

Kaya ngayon ay tama lang na humingi si Rhian ng saklolo sa GMA, kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kung ako sa kanya, dapat tumahimik na lang ako, para hindi na lumaki ang isyu. Kagaya ng pananahimik ni Maricar Reyes sa isyu nila ni Hayden Kho, ‘di ba?

Pero ang pinakamalaking eksena rin dito, may sex scandal daw sina Mo at Rhian na kagaya ng kina Hayden at katrina Halili. Masyadong malaswa na kung ikukumpara sa dalawa ‘yung eksena, na kung ako sa kanila, hindi ko na lang ilalantad sa madlang pipol.

Pero kung sa bagay, ang may kagagawan lang naman nito ay si DJ Mo, ‘di ba? Masasabi mo bang gawain nga ‘yan ng isang lalaki, o para mapatunayan lang niya na lalaki siya? Nakakaloka, ‘di ba?

Ano pa ba kasi ang hinihintay mo DJ Mo?! Magpa-katotoo ka na… hahaha!

Maloloka ka talaga sa Earth, at for sure, mawiwindang na naman tayo sa mga commments. ‘Yun na!

AT HETO NAMAN ang isyu ngayon, dahil may bago akong hawak na talent na gusto talagang pumasok sa showbiz industry. Pero hindi pa nga siya nakakapasok sa showbiz, iniintriga na siya nang malala at bongga!

Marami kasi ang nagtatanong sa kanya, kung sino ba talaga ang tatay niya, dahil kamukhang-kamukha niya ito? Ooops! Kahit ako ay nagulat din sa isyu, ‘pag tinitignan ko ang picture nitong si Kenzo Cruz. Kaya naman hindi ko napigilang itanong din sa nanay niya kung sino ba talaga ang ama nito.

Ang nanay kasi ni Kenzo ay isa sa mga sexy actress na talaga namang sumikat noon. Kamukha nga kasi ng actor-politician itong si Kenzo, at ang sagot lang ng mudrakis, ang naka-loveteam niya nu’ng araw ay ang ama ng actor-politician.

Pero marami talaga ang nagsasabi na kamukha talaga at hindi maitatanggi.

In fairness, aba-ngan na lang natin kung ano talaga ang totoong eksena, para hindi kayo masyadong mag-isip, ‘di ba? Hahaha!

Kaya naman for more chikka, more fun, manood kayo ng Pinoy Parazzi Live nga-yong Biyernes sa flippish.com dahil makakasama natin si Janelle Jamer na talagang mara-ming isyu ngayon tungkol sa kanya. At makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSuporta mula kay papa’s boy
Next articleMarian Rivera says Venus Raj is ugly?!

No posts to display