Mo Twister, ‘di p’wedeng intrigahin?!

MAY PENDING COURT case sa pagitan ng GMA at ni Mo Twister, but somehow Mo’s tentacles of his affiliation with his former network are not totally severed.

Whether Mo confirms or denies it, maugong ang balitang nagkabalikan sila si Rhian Ramos, a GMA’s prized talent, so this becomes Mo’s still-existing link with the station kahit matagal na siyang missing sa programang Showbiz Central. Ang kaibahan nga lang sa yugtong love-is-lovelier-the-second-time-around (hanggang kailan?), there appears an unspoken, unwritten rule that neither Mo nor Rhian should go public with their liaison ever again.

Pero hindi ito ang public perception kay Mo, ‘di ba? He’s a perfect example of a kiss-and-tell guy, na kung nakukuha nga niyang ibuking ang mga dapat sana’y reserved for “private consumption” ng mga kakuwanan nila noon ni Rhian through tweets, mga maseselang kuwento pa kaya ng mga kapwa niya celebrity?

Ewan if there’s still a whiff of animosity sa programang Paparazzi led by Cristy Fermin. On camera, they don friendly faces, pero ‘pag hindi na raw nakasalang, the hosts unwear their masks, inilalabas lang ang pagkaimbiyerna kay Mo ng isang kasamahang isinasalba ang sarili mula sa mata ng intriga.

Paparazzi is a tsismis show, isang eskaparate ng mga nakabilad ng tsika’t intrigang sa biglang tingin pa lang ay nakaeengganyo nang bilhin. Mo should realize na ang karerang pinasok niya, much less the program that he has chosen to embrace may not just tackle issues about the stars, kundi ma-ging ang personal na buhay ng mga mismong host nito.

Bakit si Ruffa Gutierrez, buong tapang niyang hinarap ang isyu laban sa dating asawang si Yilmaz Bektas under an imminent threat to the custody of her children, or worse, to her life?

It’s the same banana that goes around in other talk shows hosted by artistas themselves who get enmeshed in controversial issues from time to time. So, bakit pagda-ting kay Mo ay ine-exempt niya ang kanyang sarili?

May immunity, ganu’n?

 

EWAN KUNG PAANO aawatin ni Tetchie Agbayani ang live na pakikisawsaw ng mga manonood sa episode nga-yong Biyernes ng Face To Face. Bilang isa ring ina, anong magandang payo kaya ang maibabahagi ni La Tetcha sa kuwentong Nanay, Hindi Alam Na Anak Ay Nabuntis… Nang Makunan, Partido Ng Itinuturong Bumuntis Ay Tinugis?

Inakala kasi Mommy Lanie na basta nireregla lang ang anak niyang si Josephine, pero nakunan na pala ito sa ikalawang buwan nitong pagbubuntis. Pero sinex nga ba ang nakadyontis sa hitad, eh, ‘yung itinuturo niyang Eric na dyowa ng anak niya ang mismong nag-sey na January nu’ng magkaroon sila ng relasyon, February nu’ng magdyugdyugan sila, then March ay break na sila?

Katuwiran ni Eric, kung siya nga ang nakapuro kay Josephine, ‘di sana’y April ito nagkaroon ng miscarriage. Pero isa lang ang hiling ni Mommy Lanie, kesehodang sino ang bumuntis sa kanyang anak ay sagutin na lang nito ang ginastos niya sa ospital… ibang klase ring nanay ito, ‘no?

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Mo Twister, ‘di p’wedeng intrigahin?!

  1. Hindi 220  na nakipagbalikan si rhian ke mo…boyfriend na uli ni rhian yung non showbiz na ex nea. MATANGKAD, GWAPO at HIGIT SA LAHAT MAY MANNERS ANG LALAKI.

  2. hahaha! takot lang din ni rhian umamin dahil pinalaking issue tapos di naman pala kayang bumitiw… baka enjoy din siya… lalo na’t close kay belo so laging may sponsor kapag nasa ibang bansa noh!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.