MNLF, May Sarili Nang Bandila, Konstitusyon at National Anthem

MAY SARILING pambansang awit o national anthem na raw ang Bangsa Moro Republic na tangkang itayo ni Nur Misuari, founding chairman sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa Mindanao.

Ipinarinig pa ng MNLF ang kanilang Bangsa Moro national anthem.

Sinabi ng mga opisyal ng MNLF, ang naturang national anthem ay nasa salitang Tausug.

Hiling nito na matamo ng mga Moro ang kasarinlan at sa pagsamba kay Allah.

Napag-alaman na 1972 pa lamang nabuo na ang Bangsa Moro Flag, Constitution at National Anthem na siyang gagamitin matapos ideklara ni Nur Misuari ang independence ng Mindanao bilang Bangsa Moro Republic.

Ang national flag o bandila ng Bangsa Moro Republic ay may kulay na pula bilang background na sumisimbolo raw na dugo, halfmoon sa gitna na may mga bituin sa half moon at sa ilalim ng half moon makikita ang kris.

Ang Davao City ang magiging sentro ng gobyerno saka-ling magtagumpay si Misuari.

Sinang-ayunan naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang naturang balak ni Misuari.

Sa ngayon, pinag-aaralan naman ng mga awtoridad kung puwedeng kasuhan ng sedisyon si Misuari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.