MNLF, ‘Di Natakot sa Kaso vs DOJ; Pagsasampa sa OIC, Inihirit

INIRERESPETO NG Moro National Liberation Front (MNLF) ang kasong inihahanda ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanila hinggil sa sagupaan sa Zamboanga City.

Ayon kay Atty. Emmanuel Fontanilla, tagapagsalita ng MNLF-Nur Misuari faction, na karapatan ito ng gobyerno.

Pero binigyang-diin niya na karapatan din nilang mabigyan ng patas na pagdinig at panukala niya, “Ang pinakamakatarungan na gawin, ibibigay mo sa OIC (Organization of Islamic Cooperation) ‘yan at doon ka magreklamo dahil sila naman ang mediator, ang facilitator.”

Una nang inihayag ni Justice secretary Leila de Lima ang pangangalap ng ebidensya laban sa MNLF kaugnay ng gulo sa Zamboanga City.

Pinabulaanan naman ng MNLF na may matinding karamdaman ang kanilang pinunong si Misuari.

“Masyado siyang malakas… [May] allergy lang po sa mukha,” giit naman ni Fontanilla.

Nakakausap din aniya ito pero tikom nang tukuyin kung nasaan ang nasabing leader.

Samantala, una nang sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na “seriously ill” si Misuari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.