MNLF Attack Vs ASG, Walang Gov’t Clearance

NILINAW NI Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na walang basbas at lalong walang clearance ang pamahalaan sa naganap na karahasan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Matatandaang may umi-

iral na peace agreement ang gobyerno at MNLF, partikular sa paksyong pinamumunuan ni founding chairman Nur Misuari.

Ayon kay Pangulong Aquino, hindi nagsabi ang MNLF na magsasagawa sila ng pag-atake sa Abu Sayyaf na may hawak sa Jordanian reporter at napalayang dalawang Pinoy TV crew.

Sinabi ng pangulo na matapos marinig ang balita noong Linggo, agad nitong pinakilos ang security forces para tiyakin ang kaligtasan ng mga sibilyang maiipit sa kaguluhan.

Inihayag din ng Pangulo na sa ngayon ay napigilan na ng government forces ang pagkalat ng karahasan sa labas ng Patikul at ibang bahagi ng Sulu.

Patuloy rin umano ang pagpupursige ng pamahalaan sa peace process para maiwasang maulit ang karahasan at makamit na ang kapayapaan sa rehiyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.