MMDA Traffic Enforcers, Babalasahin

BABALASAHIN NG Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga traffic enforcer nito sa kanilang mga puwesto sa iba’t ibang kalye sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na layon nitong maiwasan ang pagiging pamilyar ng mga traffic enforcer sa kanilang lugar at maiwasan din ang mga reklamo ng pangongotong.
Samantala, isasabak na rin ang mga rescue team ng MMDA sa pag-aasikaso naman ng daloy ng trapiko.
Ayon kay Tolentino, nasa 500 miyembro ng rescue team ang kanilang isasabak o magta-trapik kada Biyernes para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko partikular na sa EDSA tuwing rush hour.
Samantala, nilalayon ng naturang hakbang ng MMDA na mapaghandaan ang pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.