MMDA, Sinisisi ng Malabon sa Pagbaha

SINISI NG lokal na pamahalaan ng Malabon ang Metro Manila Development Authority (MMDA) kung bakit mabilis na tumaas ang tubig-baha kapag may bagyo na sinasabayan pa ng high tide.

Ayon kay Malabon City Chief Eng. Eduardo Yanga, ang MMDA ay wala umanong kahandaan kapag may kalamidad dahil hindi pinapagawa ang mga sirang water pump na sumisipsip ng tubig-baha papunta ng karagatan.

Aniya, lumalabas na 42 water pump ang pag-aari ng MMDA subalit 12 lamang dito ang gumagana, habang ang 30 ay hinayaan na lamang umanong sira at hindi ma-gamit.

“Kaya kapag umapaw ang tubig sa dike mula sa Obando, mabilis na lumulubog ang mga mabababang lugar sa nasabing lungsod at matagal na humupa ang tubig baha,” wika pa ni Yanga.

Kung hindi pa umano lumubog ang maraming bahagi ng Malabon sanhi ng ilang araw na pag-ulan dulot ng hanging habagat ay hindi matutuklasan ang mga sirang water pump at kakulangan ng supply ng diesel para sa mga makina ng water pump, sabi ng chief engineer.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.