MMDA: P295-M traffic signalized system, ‘di solusyon

MAKATUTULONG ANG P295-milyon na traffic signalized system sa pagpapaluwag ng trapiko sa Kamaynilaan, pero hindi ito ang tiyak na solusyon sa nasabing problema.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na magiging epektibo lamang ang modernong traffic signalized system kung sasabayan ito ng disiplina sa mga motorista, pedestrian at pasahero ng mga pampublikong sasakyan.

“We have a helpful tool but a big aspect in addressing the traffic congestion is discipline among road users,” ayon kay Tolentino.

Subalit inihayag din ng MMDA chief na ang upgrading process ng traffic system ay nasa unang yugto pa lang.

“We began with 85 priority intersections, that’s only a small portion. Under the whole plan, we plan to cover 465 intersections,” pahayag ni Tolentino.

Binubura ng bagong traffic signal system, na gumagamit ng information-based upgrade and integration technology, ang lumang sistema na nakabase sa fixed timing device.

Ang naturang proyekto ay bunsod ng pakikipagtulungan ng MMDA at Indra, isang traffic technology company sa Spain na isang consortium ng Meralco Industrial Engineering Services Corporation (MIESCOR).

“It is real time data from the streets. We have detectors from the ground that process the vehicle count and compute the volume. It calculates what the best timing for the traffic lights is,” pahayag ni Carl Decloedt, Indra project manager, tungkol sa automated traffic management system.

Samantala, tatayo namang central server ang MMDA Metrobase sa 85 traffic light na may visual representation ng nangyayari sa mga lansangan sa pamamagitan ng 25 high definition surveillance camera.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.