MMDA Enforcer, Patay sa Pamamaril; 2 pa Sugatan

BINARIL AT napatay ang isang elemento ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcerment ng isang hindi nakikilalang lalaki habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa Caloocan City kamakalawa  ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Inspector Leonilo Padulaga, hepe ng Station Investigation Division ng Caloocan North Extention Office ang biktima na si Edwin Basal, 36, MMDA Traffic Enforcer personnel, nakatalaga sa Manila at residente ng Block 1, Lot 2, Villa Maghdalena-111, Camarin Road, ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang inoobserbhan sa Tala Hospital sina Sergio Sampungan, 29, ng Block 3, Lot 8, Cherrylane Subd., Bagumbong; at Severo Roslin, 45, binata, driver, ng # 311 Tierra Nova Royale, Phase 4, Bagumbong, Caloocan City sanhi ng tama ng stray bullet sa katawan.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Alcee Clemente Jomacquio, may hawak ng kaso, bandang alas-9:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Block 1, Lot 111, Camarin Road.

Lumalabas sa imbes-tigasyon ng pulisya, kasalukuyang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa isang tindahan sa naturang lugar nang biglang dumating ang hindi nakikilalang suspek na armado ng kalibre .45 baril.

Kaagad na pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa ulo at katawan habang ang dalawa pang biktima ay tinamaan ng stray bullet sa katawan.

Ayon sa asawa ng biktima na si Belinda Basal, malaki ang kanyang hinala na ang pagpatay sa kanyang kabiyak ay may kaugnayan sa trabaho bilang isang traffic enforcer.

Aniya, noong nakalipas na 2011 at 2012 ay may nagtangka na sa buhay ng kanyang asawa matapos na pagbabarilin na ikinasugat nang malubha.

Kaagad na namatay ang biktima sa lugar ng pinagyarihan ng insidente habang ang suspek ay mabilis na umalis sakay ng isang motorsiklo.

(ROMAN MAGPOC) 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.