MMDA CHAIRMAN TOLENTINO, SALA SA INIT, SALA SA LAMIG

NAGPATUPAD ANG MMDA ng Unified Vehicular Volume Reduction Program o ang tinatawag na “number coding” dahil sa kagustuhan nilang lumuwag ang Edsa.

Ang susuway raw at magpupumilit bumiyahe ay huhulihin at pagmumultahin.

Talagang mapilit itong si MMDA chairman Francis Tolentino na ipatupad ang UVVRP upang mabawasan daw ang bilang ng mga bus na bumibiyahe sa Edsa.

Pinagbigyan naman siya ng mga bus operators.

Para lumuwag ang Edsa… walang pinabiyaheng bus!

Nagalit naman si Tolentino… parurusahan daw ang mga operator na hindi nagpabiyahe ng kanilang bus!

Ano ba talaga ang gusto mo Tolentino, bibiyahe ba o hindi?

Mukhang ikaw na hinayupak ka ang hindi alam kung ano ang gusto mong mangyari d’yan sa Edsa.

Ang mabuti pa, kung hindi mo rin lang alam kung ano ang gagawin d’yan eh, ikaw na lang ang lumayas sa MMDA!!!

APPROVAL RATING NI Pangulong Aquino bumaba raw.

Paanong hindi bababa eh, dis-approve na siya sa pamilya at mga fans ni Shalani.

Pero in fairness, parekoy, inamin naman ni P-Noy na hindi pa rin niya lubos na malimot ang alaala ni Shalani.

In short, love mo pa?

‘Yun naman pala eh, ba’t pinipigilan pa kasi ang sarili… balikan mo na!

Paki bilis-bilisan lang sir at medyo mabilis din kasi ‘yang lintek na si Willie Revillame! Hak, hak, hak!!!

NANG LUMAYA NOONG isang araw mula sa matagal na panahong pagkakabilanggo ay sinalubong si Aung San Suu Kyi ng kanyang mga supporter.

Sa kanyang speech, sinabi nitong Myanmar democracy icon na “paano ko masasabing ako ay malaya na… kung ang aking bayan at mga kababayan ay hindi pa malaya!”

Walang ipinag-iba ‘yan sa mga ipinangangalandakan ng ilang opisyal ng pamahalaan na malusog na raw ang ating ekonomiya…

“Paano ko naman masasabing ang ating ekonomiya ay sumasagana… kung ganyang mayayaman lang ang madalas ngumuya?”

MARIING KINUKUNDENA NI dating PCSO chairman Manoling Morato ang mga desisyon ni kasalukuyang PCSO chairman Margie Juico.

Maging ang paglipat ng tanggapan ng PCSO at ilan pang mga pangyayari d’yan sa Philippine Charity Sweepstakes Office ay pilit na pinakikialaman ni Morato.

Noong siya pa ang PCSO chairman ay siya na ang nasusunod…

Tapos ngayon, kahit hindi na siya kunektado sa PCSO ay gusto ni Morato na siya pa rin ang masusunod?

Lintek na huklubang ito… ayaw pang mamahinga!!!

Tumahimik ka na hoy, mahiya ka naman . . . Expired na ‘yang beauty mong lintek ka!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radyo tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes sa DZME 1530kHz (dulong-kanan sa inyong talapihitan).

Ang programa ng inyong lingkod “ALARMA Kinse Treynta” ay maaari rin po ninyong mapanood sa internet sa ganu’n ding oras.

Mag-log-on lamang sa www.dzme1530.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.