MM, ilang bahagi ng Luzon, nilindol

NIYANIG NG magnitude 4.5 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Kamaynilaan, alas-10:46 ng kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang naturang sentro ng lindol sa silangan ng San Quintin, Pangasinan na may lalim na 29 kilometro.

Naramdaman ang intensity 3 sa Caloocan City, Mandaluyong City, Dagupan City, Baguio City at Binalonan, Pangasinan; habang intensity 2 sa Quezon City, Pasig City, Taguig City, Pasay City, Gapan City, Cabanatuan City, Pantabangan, Nueva Ecija; Baler, Aurora; at Palayan City. Intensity 1 naman sa Lucban, Quezon.

Pinawi naman ni Phivolcs Director Renato Solidum ang pangambang masundan pa ng malakas na aftershock ang lindol.

Wala rin aniyang naitalang pinsala, nasawi o nasugatan sa naturang pagyanig.

Inihayag din nitong tectonic ang dahilan ng lindol na posibleng dulot ng paggalaw ng Manila trench.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.