Miyembro ng Waray-Waray KFR group, timbog

CAMP GEN. ALEJO Santos, Bulacan – Hindi na nagawang makatakas ng isang miyembro ng mala-king grupo ng Waray-Waray Kidnap for Ransom group nang salakayin ng mga awtoridad ang kanyang ta-hanan sa Pandacan Maynila, kahapon ng tanghali.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Edwin Quilates ng Provincial Intelligence Branch kay PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang suspek na si Lito Destrajo Y Bogo, 31 anyos, binata,tubong  Zone-1, Brgy. Poblacion, Leyte, at kasalukuyang residente ng 2392 Laura St., Pandacan, Manila.

Inaresto si Destrajo, dakong alas-12 ng tanghali sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Br-163 Pasig City RTC judge Leili Cruz-Suarez sa kasong two counts of Kidnap for Ransom (Art. 267 RPC), kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte laban sa kanyang kalayaan.

Nabatid na may patong din sa ulo ang nadakip na suspek na halagang P200K base sa DILG circular 85-2011.

Sangkot ang suspek sa kasong Robbery sa isang pawnshop sa lalawigan ng Cavite, at Hi-jacking sa isang truck ng Gasul sa Brgy. Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Miyembro ng Waray-Waray KFR group, timbog

  1. Pingback: In the news: Pedring, Segunda Mana, and Crimes | My Pandacan 1011 | Manila, Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.