Miyembro ng Sputnik Gang, Sinalbeyds

ISANG HINDI nakikilalang bangkay ng lalaki ang natagpuan na lulutang-lutang sa isang fish pond na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Ang nasabing bangkay ay tinatayang nasa edad na 25 hanggang 30 anyos, may taas na 5’5”, nakasuot ng kulay itim na walking short, pink polo shirt at may nakatatong “Sputnik Gang” sa kaliwang binti.

Base sa ulat ni P/Senior Insp. Gregorio Catacutan, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon PNP, bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ang hindi nakikilalang bangkay na lulutang-lutang sa fish pond sa Barangay Dampalit.

Bago umano matagpuan ang bangkay ay napansin ng mga residente sa nasabing lugar na may umaaligid na isang kulay puting van na walang plate number hanggang sa makarinig na lamang ang mga residente ng mga putok ng baril.

Nang puntahan ang pinagmulan ng putok ng baril ay nakita ang bangkay na nakagapos ang magkabilang kamay ng kulay puting electrical cord at ang bibig nito ay binusalan ng kulay puting good morning towel.

Kaugnay nito, patuloy namang nagsasagawa ng im-bestigasyon ang Malabon PNP para matukoy ang nasa likod ng paglikida sa biktima.

May hinala ang pulisya na pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon sa lugar ng pinagkakitaan sa bangkay para iligaw ang awtoridad sa isasagawang imbestigasyon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.