Miyembro ng Sputnik Gang, patay sa boga

PATAY ANG ISANG lalaki na hinihinalang miyembro ng ‘Sputnik Gang’ matapos itong barilin ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan nang tambangan ng mga huli ang una kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima na binawian ng buhay habang dinadala sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) Caloocan City, sanhi ng tinamong bala ng baril sa katawan ay inilarawan lamang ng pulisya na nakasuot ng denim short, black T-shirt, at may tattoo na ‘Sputnik’ sa kanang hita.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng Caloocan Police sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Heroes del 96 Bgy. 73, Caloocan City.

Ayon sa saksing si Mario Natividad, minamaneho nito ang kanyang motorsiklo at binabaybay nito ang natu-rang kalye nang makarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril.

Dito, tinungo nito ang pinagmumulan ng putok at nakita nito ang suspek na duguan at humingi pa sa kanya ng tulong para magpadala sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga. Habang ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas dala ang ginamit na baril.

Inaalam na rin ng pulisya ang tunay na pagkakakilanlan sa biktima at kung ano ang tunay na motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.