Miyembro ng Sindikato, Pinatahimik

PATAY ANG isang sinasabing miyembro ng sindikato habang nakatakas ang tatlong kasama makaraang hagisan ng granada at paulanan ng mga bala ng apat na hindi pa kilalang mga suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sanhi ng tama ng bala sa ulo sa East Avenue Medical Center si Ed Villanueva, nasa hustong gulang ng Catleya St., Phase 2, Natividad Subd., Deparo ng lungsod at miyembro ng Alferes group.

Nakatakas naman ang mga kasama nito na sina Antonio Salvador, isang alyas Jim at alyas Panoy ng nasabing lugar.

Sa pahayag ni Nancy Talose, tumatayong caregiver ni Salvador na may sakit na cancer, alas-8:45 ng gabi, nasa loob sila ng bahay kasama ang kanyang 2 taong gulang na anak na lalaki at yayang si Lovely Rosas kasama sina Salvador nang sumulpot ang mga suspek sabay hagis ng granda bago nagpaulan ng mga bala.

Nasukol ang nasawi sa banyo ng bahay habang nakatakas sina Salvador sa pamamagitan ng panghaharang ng Toyota Hi-Ace (UVK-709) na minamaneho ng isang Melicio Reonal.

Nakakuha ang mga pulis sa lugar ng insidente ng shotgun, MK-2 hand grenade, mga bala ng M-14 at M-16, mga plaka ng saksakyan, re-histro; mga AFP uniporm at mga bag.

Lumalabas na ang Alferes group ay sangkot sa mga kasong robbery, kidnapping at iba pang iligal na gawain.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga nakalaban ng nasabing grupo.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.