Miyembro ng Sex Bomb, binugbog ng BF na miyembro ng Southborder?! – Joey Sarmiento

MAY NAKARATING SA aming balitang binugbog daw si Sex Bomb Jackie Rivas ng kanyang boyfriend na drummer naman daw ng Southborder Band. Matindi raw ang mga pasa at sugat ni Jackie kaya isinugod ito sa ospital.

Hmmm…. kung totoo man ito, dapat pinapasabugan ng bomb, not necessarily “sex bomb,” ang mga lalaking nambubugbog ng babae… pwamis!!!

SI INA ALEGRE ay dating ramp model at sexy star na naging indie film producer. Dekada na ‘yata ang binilang ng pagiging magkaibigan namin kaya puwede naming sabihin na marami kaming pinagsamahang happy moments at kaunting kalokahan sa life.

Hindi lang namin inaasahan na two times niya kaming tinawagan nu’ng nakaraang Linggo para pagbintangang ipinagkakalat daw namin na meron siyang extra marital affair. Bukod du’n, marami rin siyang idinidiin sa amin na hindi na rin namin ma-take.

Mabait ang asawa ni Ina. Si Col. Gilbert Cruz na dating Chief of Police ng Makati na ngayon ay regional director na ‘yata. Sa sobrang kabaitan at katahimikan ni Col. Gilbert ay nakahihiyang magsalita nang hindi maganda sa naturang pulis.

Kahit paano, may nalalaman din naman kami sa personal life ni Ina dahil kilala na namin siya kahit na nu’ng dalaga pa siya, pero               wala kaming balak ipagkalat ‘yon dahil sa aming friendship.

Ang hindi lang talaga namin ma-carry ay ang makatanggap kami ng mga pananakot sa aming buhay sa text isang araw pagkatapos namin siyang makausap sa cellphone.

Ewan kung ire-relate namin ang mga pananakot na natatanggap namin sa tawag niya sa amin nu’ng nakaraang gabi pero siya na rin ang nagsabi sa amin sa cellphone nu’ng gabing ‘yon, “…kung mawawala ka at hahanapin ka ng mga kaibigan mo, ang point du’n, nawala ka na.”

Maraming ibig sabihin ang tinuran niya na ‘yon pero hangga’t maaari, e, ayaw namin ‘yong bigyan ng kulay. Oo nga’t isang high ranking official ang asawa ni Ina pero ayaw rin naming isipin na gagawan kami ng masama ni Col. Gilbert dahil mabait naman ito. Pero ang kaibigang “hitman” ni Ina, na minsan na rin niyang ipinakilala sa amin…. ewan lang namin.

Ewan din namin kung nakalimutan na ni Ina ang pinagsamahan namin sa Amerika, ilang taon na rin ang nakararaan, nang kinuha niya ang isang international award sa Los Angeles. May kasama rin kaming isang aktor doon. May mga litrato ring kalakip ang mga ginawa namin doon pero baka nakalimutan na ni Ina na ibinigay niya sa amin ng original copy ng mga pictures, na kung gusto namin siyang siraan, e, noon pa dapat namin inilabas.

Hanggang ngayon, kaibigan pa rin ang turing namin sa kanya kaya gusto naming ipaalam sa kanya na hanggang ngayon, e, wala kaming balak na ilabas o ikuwento ang mga kalokahan namin pero sana naman, itigil na rin niya ang pananakot sa amin sa text, that is, kung siya nga ang may pakana nu’n, dahil kahit paano, e, may pinagsamahan rin naman kami.

Sana rin, mag-iingat siya sa kanyang mga tauhan na laging nakadikit sa kanya dahil kung hindi, ‘yon din ang sisira sa kanya, wa ek!!!

At kung hindi rin titigil ang natatanggap naming pananakot sa text messages, sumpa man, marami pa kaming puwedeng sabihin.

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

5 thoughts on “Miyembro ng Sex Bomb, binugbog ng BF na miyembro ng Southborder?! – Joey Sarmiento

  1. joey pls. lang Huwag mo ng idamay si col. cruz sa ilussion mo at galit kay Ms. Ina , mabuti at marangal na tao si sir hindi siya malalagay sa katayuan niya ngayon kung hindi niya pinagsilbihan ng malinis at may dangal ang mga PNP Station na pinahawakan sa kanya… Sa palagay ko atake sa puso ang dadali sayo kaya pahinga ka na lang muna .. para mawala ang init at galit mo sa comguild lalo na sa mabait na may ari nito na dati mong bestfren….

  2. nice one….
    grabe na talaga noh? daming tao sa media na nananamantala ng power nila to say everything…,
    walang ibang ginawa kundi magpapansin sa mga artista o celebrity na may pera para lang maabutan, kundi isusulat magagandang bagay about them eh sisiraan naman, kaya naman maraming friendships sa media na nasisira dahil lang sa pera. DI BA JOEY SARMIENTO?

  3. sweetie,
    kala ko rin bading!..Ha! Ha! Ha! Ha!…nananakot lang yan..diba sya nagbabasa o nanonood ng tv about sa nga ampatuan??..subukan lang kantiin ka nyan lalo na Journalist ka din baka sa campo krame ang kabagsakan nya pati asawa nya..wag nyang ipagmalaki na asawa sya ng general..kung ak osa writter na ito irereport ko sa kapulisan ang nga banta sa buhay nya at kung sakaling me mangyari sa kanya alam na ng pulis kung sino ang dadamputin…

Leave a Reply

Your email address will not be published.