Miyembro ng Political Clan, Pinapadiskwalipika sa Comelec

NAPILITAN PANG mag-ambagan sa harap mismo ng mga opisyal ng Comelec ang isang anti-political dynasty group na kinabibilangan ni Juana Change matapos maghain ng petition for disqualification laban sa ilang kasapi ng political clan.

Kabilang sa ipinagharap ng reklamo sina Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte; Dennis Pineda (anak ni Gov. Baby Pineda) ng Pampanga; Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte at apo nitong si Miguel; Rexlon at Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City.

Base sa kanilang 13 pahinang kopya ng petisyon, iginiit ng grupo na labag sa aspetong moral ang pagtakbo ng magkakamag-anak sa iba’t ibang posisyon para mapanatili ang kapangyarihan sa kanilang angkan.

Samantala, umaasa ang petitioners na pakikinggan sila ng Comelec upang masimulan na ang paglilinis sa pulitika sa bansa.

Matatandaan na sa i-lang panayam ng media, maging si Chairman Sixto Brillantes ay may mahigpit ding posisyon laban sa political dynasty.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.