Miyembro ng Frat, Kulong sa Hazing

KULONG ANG isa sa dalawang miyembro ng isang fraternity matapos magsagawa ng initiation rites o “hazing” sa pitong kabataan sa Bry. Muzon,  San Jose del Monte City.

Sa report na isinumite kay Senior Supt. Fernando Mendez Jr., Bulacan police director, nakahandang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law ng San Jose del Monte Police ang mga suspek na sina Jayvee Guan, 19 anyos, binata, estudyante, at residente ng 147 Looban 1, Loma de Gato, Marilao, Bulacan; habang hinahanap ang kasama nito na si Renan Lezaba, criminology student, nakatira sa  Zone 1, Melody Plains, Brgy. Muzon, CSJDM at pawang miyembro ng Scout Royal Brotherhood.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Supt. Raniel Valones, naganap ang initiation rites sa mga biktimang sina Victor Sancap, John Audel Dela Cruz, Ronie delos Santos, Bryan Sedonia, Heide Erero, Liza Candelario, at Jim Lagurda sa isang bakanteng lote sa nabanggit na barangay.

Nabatid sa reklamo ng mga magulang ng mga biktima, na sobrang bugbog sa mga binti ang inabot ng mga ito mula sa initiation.

Matapos na matanggap ang reklamo, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang San Jose del Monte Police na nagresulta ng pagkakadakip ng isa sa mga suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.