Miyembro ng Dugo-Dugo Gang, Timbog

TIMBOG ANG sinasabing miyembro ng Dugo-Dugo Gang sa isinagawang entrapment operation nang lumapit sa mga pulis ang bibiktimahin sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Arnel Faustino, 36 ng F. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Nabatid na bibiktimahin ng grupo ni Faustino ang katulong ni Jennifer Nieto, 36, na si Emma Randon, nasa hustong gulang at kapwa ng T. De Leon St., Karuhatan, subalit nakatunog at lumapit sa mga pulis ang mga huli.

Nagsagawa ng entrapment operation alas-4 ng hapon sa MacArthur Highway, Karuhatan at nang iabot ni Randon ang bag na may laman na P300,000 sa suspek ay agad na dinamba si Faustino.

Inaalam na ng mga pulis kung sino pa ang mga kasama ni Faustino.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.