Miyembro ng Dugo-Dugo Gang, Arestado

KULONG ANG isang miyembro ng dugo-dugo gang makaraang habulin ng kasambahay na bibiktimahin ng una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Roel Bolante, 29 ng Bronze St., Tugatog, Malabon City.

Sa pahayag ng kasambahay na Maryrose Arnesto, nasa hustong gulang ng San Roque, Marikina City, ala-1 ng hapon, isang hindi pa kilalang babae ang tumawag at sinabing naaksidente ang amo na si Leticia Domingo, 60 at nangangailangan ng malaking halaga.

Agad na nagpunta sa kuwarto ng amo ang kasambahay at kumuha ng mga alahas na aabot sa P400,000 bago nagtungo sa Monumento ng lungsod base na rin sa sinabi ng caller.

Nang makarating sa lugar ng pinag-usapan ay ang suspek ang sumalubong sa kasambahay at nang iabot ang mga alahas ay agad na nagtatakbo papatakas ang suspek.

Nahimasmasan ang kasambahay at mabilis na hinabol habang sumisigaw ng tulong na narinig ng mga nakatambay at tumulong sa paghabol.

Nadakip ang suspek at nabawi ang mga alahas na tinangkang tangayin kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino pa ang mga kasabwat ng una.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.