Miyembro ng Bukas-Kotse Gang, Timbog

PULILAN, BULACAN – HINDI na nagawang makatakas ng isa sa tatlong umano’y mga miyembro ng “Bukas-Kotse Gang” sa lalawigang ito makaraang masukol ng mga awtoridad habang aktong pinagnanakawan ang isang L300 van sa parking lot ng isang commercial establisment sa Brgy. Cut-cut sa bayang ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Myrna Reyes kay PNP Provincial Director Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Roderick Bertes Y Villamor, 31-anyos, ng Brgy. Poblacion, Bustos.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon nang maaktuhan ang suspek na ninanakawan ang isang sasakyan na may plakang XKN-229 sa isang parking lot.

Samantala, positibo namang itinuro ng dalawang kapwa biktima ng bukas-kotse na sina Bryan Datingaling, 25, isang Field Engineer ng San Rafael; at Bryan Hipolito, 22, ng Brgy. Paltao na kapwa nawalan ng mahalagang gamit sa loob ng kanilang mga sasakyan.

Nakumpiska mula sa suspek ang 2 unit ng laptop na nagkakahalaga ng P60K at mga cellphone. Kaugnay nito, kasong Robbery ang kakaharapin ng nadakip na suspek. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Miyembro ng Bukas-Kotse Gang, Timbog

  1. Pingback: Miyembro ng Bukas-Kotse Gang, Timbog - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.