Miyembro ng BCJ patay sa shootout, 3 pa nakatakas

ISANG MIYEMBRO NG kilabot na Batang City Jail (BCJ) na pinaghihinalaang sangkot sa carnapping ang namatay matapos itong makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang tatlo pang kasamahan nito ang nakatakas sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa katawan ang suspek na inilarawan lamang ng pulisya na may taas na 5’5” hanggang 5’6” ang taas, kayumangging kulay at nasa pagitan ng edad na 28 hanggang 30-anyos at miyembro ng BCJ 32.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlo pang suspek na mabilis na nakatakas.

Base sa pinagsamang imbestigasyon nina SPO2 Bobby Egera, PO3 Eduardo Ronquillo at PO2 Rommel Bautista, pawang may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 3:15 ng madaling araw sa harapan ng Myrachel Sari-Sari Store na matatagpuan sa #644 Mc Arthur Highway, Caloocan City.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ng Caloocan City Police nang maispatan ng mga ito ang dalawang motorsiklo na kapwa may angkas at may kahina-hinalang kilos.

Nang papalapit na ang tauhan ng Anti-Carnapping Unit sakay ng kanilang mobile patrol car sa mga suspek nang bigla na lamang magpaputok ng baril ang isa sa mga carnapper.

Dahil dito, agad na huminto ang sasakyan ng mga awtoridad hanggang sa mapilitan ang mga itong gumanti ng putok, na nagresulta ng pagkasawi ng isa sa mga suspek habang ang mga kasamahan nito ay nakatakas.          (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.