Miyembro ng “Bahala na Gang”, Itinapon ang Bangkay sa Kalsada

IKINALAT SA kalsada ang bangkay ng isang miyembro ng “Bahala na Gang” ng hindi pa kilalang mga suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala lang ang biktima sa alyas na Balbag, nasa hustong gulang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang makita ang bangkay ng biktima sa Phase 6, Camarin ng lungsod ng ilang residente.

Lumalabas na may tama ng bala sa ulo ang biktima na sinasabing biktima ng summary execution at sinasabing miyembro ito ng naturang grupo.

Inaalam na ng mga pulis ang tunay na motibo sa pagpaslang sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.