MIYEMBRO NG ANAKPAWIS, PATAY SA AMBUSH

PATAY ANG ISANG miyembro ng militanteng grupo na Anakpawis makaraang barilin ng dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa bayan ng San Mateo, Isabela.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Bonifacio Labasan, 62 anyos ng Bagong Sikat at miyembro ng Anakpawis at Danggayan Dagiti Mannalon Itti Isabela (DAGAMI).
Lumalabas sa imbestigasyon na dalawang bala mula sa Cal, 45 ang tumapos sa buhay ng magsasaka.
Ayon sa anak ng biktima na si Jerry, kasama ng ama ang kanilang kapatid na si Lanie Miguel, 40, na sakay ng motorsiklo at patungo sana ng kabayanan nang i-overtake sila ng dalawang lalaki na sakay din ng motorsiklo.
Humarang sila sa kanilang daan kaya’t tumigil si Labasan. Bumaba naman ang isa sa sakay ng motorsiklo at binaril sa tiyan ang biktima.
Nang matumba ang matanda ay binaril sa ulo ng suspek bago sila tumakas.
Sinasabing puntirya lamang ng pamamaslang ay si Bonifacio dahil hindi naman sinaktan ang anak nito. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.