Misuari, Hindi Etsa-Puwera sa Bagong Bangsamoro

MAKAAASA RAW ang grupo ni MNLF founding chairman Nur Misuari na hindi sila etsa-puwera sa peace process sa MILF sa binubuong Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala ring katotohanang tatalikuran na ang 1996 Final Peace Agreement sa MNLF.

Sinabi ni Valte na sa katunayan, nagsadya pa kamakailan lang si Office of the Presidential Adviser in the Peace Process (OPAPP) Sec. Teresita Deles sa Indonesia para i-convey ang mga commitments sa kasunduang pangkapayapaan.

Lagi din daw naiimbitahan ang MNLF sa mga tripartite implementation review meetings ng OPAPP at doon sa ibang pulong para sa epektibong pagpapatupad ng Final Peace Agreement.

“Alam po natin na nagpunta nga si Secretary Deles recently sa Indonesia para i-convey po itong mga commitments na ito doon sa monitoring team. Alam, n’yo, doon sa mga nagtatanong, siguro kahapon, ‘di ba, may mga discussions on kung ini-ignore po ba si Ginoong Misuari, ay hindi naman din po ito totoo dahil… In fact, sabi nga ho ng Office of the Presidential Adviser in the Peace Process, lagi pong nai-invite sila doon sa mga tripartite implementation review meetings po ng OPAPP, at doon sa ibang meeting pa po na tinatawag for the purpose of the implementation nung Final Peace Agreement with them. So ‘yon po, on the part of government. That is as far as we can say,” ayon kay Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.