Misuari, handang arestuhin – AFP

NAKAHANDA ANG Armed Forces of the Philippines (AFP) na dakpin si Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari hinggil sa malagim na siege sa Zamboanga City.

Ito ang sinabi ni AFP Public Affairs  Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II kaugnay na rin ng hakbangin ng Justice Department na kasuhan din ng rebelyon si Misuari .

Ayon kay Zagala, matapos ang panga-ngalap ng impormasyon at ebidensya laban kay MNLF Commander Habier Malik ay itutuon naman ng AFP ang konsentrasyon nito kay Nur Misuari.

Maaalala na si Commander Malik ang namuno sa siege sa ilang coastal barangay sa Zamboanga City noong Setyembre 9.

Sinabi ni Zagala na hindi kikilos ang limang Commanders ni Misuari para organisadong  sumalakay dala ang malalakas na kalibre ng armas sa Zamboanga City kung walang kautusan ng utak o ng kanilang pinunong si Misuari.

Inihayag pa nito na ang mga lumusob na Commanders ni Misuari  na naghasik ng kaguluhan matapos mang-hostage ng daang sibilyan ay mula sa mga lalawigan ng Sulu, Basilan at Zamboanga Sibugay.

Samantala, ang planadong paglusob ay isinagawa matapos magdeklara ng Independence si Misuari sa lalawigan ng Sulu noong Agosto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.