Misuari, ‘di kailangan sa peace agreement

WALA UMANONG epekto sa tripartite review process sa MNLF Final Peace Agreement ang mga kasong kinakaharap ni Nur Misuari.

Naglabas na ng arrest warrant ang Zamboanga City Regional Trial Court laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari, MNLF commander Habier Malik at iba pa.

Hinggil ito sa isinampang rebellion charges ng Department of Justice laban sa mga respondents kaugnay ng madugong Zamboanga siege.

Maaalala na si Misuari ang kinikilala ng Organization of Islamic Conference (OIC) bilang kinatawan ng MNLF partikular sa tripartite review process.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, tuloy pa rin ang naturang pagpapatupad ng peace agreement at review rito kahit wala na si Misuari.

Handa naman daw ang pamahalaan na konsultahin ang ibang paksyon ng MNLF.

Samantala, una nang nag-commit ang Indonesia kay Pangulong Noynoy Aquino III ng buong suporta sa konklusyon ng tripartite review process sa MNLF Final Peace Agreement.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.