Mister,Iniwan ni Misis, Nagnakaw ng Bra at Panty

HINDI PA man kinasuhan subalit nanghihingi na ng paumanhin ang isang 42-anyos na mister matapos itong mahuli sa pagnakaw ng isang pares na underwear.

Kinilala ang salarin na si Feliciano Sasuta Jr., residente ng Purok Pag-asa, Mabuhay lungsod ng General Santos na isinailalim sa pagsisiyasat.

Kinumpirma ng mga awtoridad na nakipagha-bulan ang salarin matapos masungkit ang isang panty at bra sa isang bahay.

Nakita umano ang salarin ng testigong si Romeo Roto kaya’t sinita subalit ayaw magpaawat ang suspek at nahuli rin ng mga residente.

Sa prisinto na ng pulisya narekober ang mga ninakaw na underwears.

Nabatid na ang salarin ay matagal nang hiwalay sa asawa at may ka-live-in subalit iniwanan ito at nag-abroad.

Samantala, plano sana nitong ibunton ang damdamin sa ninakaw na underwear at mangiyak-ngiyak pa itong nagmakaawa na sana palabasin ng kulungan dahil sa takot umano na mamatay sa gutom ang tatlong anak na iniwan sa bahay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.