Mister, Utas sa Alagang Aso

IKINAALARMA NG Department of Health-Kidapawan City ang mga nagkalat na aso sa kanilang lugar makaraang mamatay ang isang mister sa kagat ng alagang aso.

Ayon sa City Veterinarian Office  (CVO), namatay si Samson Dayanan, 49 anyos, residente sa nasabing lugar nang kumalat sa katawan ang rabbies ng aso.

Sinabi ni Malou, asawa ni Dayanan, noong Marso pa kinagat ng kanilang tuta ang biktima subalit ipinagkibit-balikat lamang ito at makalipas ang dalawang buwan ay madalas ang pagkahilo at pangininig nito.

Bago mamatay si Samson ay tila nawawala sa sarili na inakalang namaligno subalit huli na nang malamang umabot na sa utak nito ang rabbies ng kanilang tuta.

Samantala, bineberipika rin ng City Veterinarian Office ang ulat na isa rin ang namatay sa Brgy. Balindog bunsod ng kagat ng aso.

Pinaalahanan ng CVO ang mamamayan laban sa rabbies at pinayuhan na magpasuri agad sakaling makagat ng aso at iba pang uri ng alagang hayop kasama ang pusa.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.