Mister, Utas sa 2 Lalaki

PATAY ANG isang mister matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan nang paulanan ng bala ng baril ng mga huli ang una sa labas ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City .

Hindi na umabot pang buhay nang dalhin sa Dr. Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng .45 baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Rodelio Tinio, 34, ng Phase-5A, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang mga pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 kahapon ng umaga, nakaupo sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at walang salitang pinagbabaril si Tinio.

Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit hindi na rin umabot nang buhay.

Inaalam na rin ng pulisya ang tunay na motibo sa pagpatay sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.