Mister, Todas sa Russian roulette

TODAS ANG mister matapos pumutok ang nilalarong baril sa loob ng kuwarto sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa  Chinese Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng Magnum .357 na baril sa ulo si Roberto Julian, 48, ng Guido St., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:10 ng umaga, nakita ng anak ng biktima na nilalaro nito ang baril sa  loob ng kanilang kuwarto. Bumaba ang anak upang sabihin sa ina ang nakita subalit biglang may pumutok.

Agad na pinuntuhan sa kuwarto ang biktima at la-king gulat nang makitang nakabulagta na naging dahilan upang dalhin sa CGH.

Nag-iimbestiga na ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.