Mister, tinuhog ng icepick, todas

PATAY ANG ISANG mister matapos itong pagsasaksakin ng icepick ng isang hindi nakikilalang salarin ang habang ang una ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Noel Balungay, 29, may-asawa, ng Lapu-Lapu Ave., Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng Navotas Police para sa pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Road 10 cor. Lapu-Lapu Ave., ng nasabing lungsod.

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar ng bigla na lamang lumutang ang suspek sa madilim na bahagi ng lugar at sinalubong ng saksak ang biktima saka tumakas.

Dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima ng ilang nakakita sa pangyayari subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Patuloy na ring inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.