Mister, tinopak; misis pinatay saka nagtangkang mag-suicide

PATAY ANG ISANG ginang nang saksakin ng kanyang mister na umano’y nabaliw sa sobrang hirap ng buhay sa bayan ng Sigma, Capiz.

Makaraang saksakin ang misis, tinangka ring magpakamatay ni Marlo Bonifacio, 39, residente ng Brgy. Pagbunitan, Sigma, Capiz.

Sa report na nakara-ting sa Camp Crame, unang sinaksak ni Marlo ang kanyang misis na si Analie, 38, dakong alas-6 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan.

Nadiskubre ang ginawang krimen ni Marlo nang umuwi ang kanilang nag-iisang anak pasado alas-7 ng gabi.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot si Marlo kasaban ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa nasabing insidente.

Hindi umano kasi nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa halip, nakita pang magkasama ang mga ito na nagtitinda sa palengke, liban na lang sa palagiang pabiro umano na sinasabi ni Marlo na suko na ito sa kahirapan ng kanilang buhay.

Samantala nakuha naman sa tabi ni Marlo ang 2 kutsilyo na ginamit nito sa pagpaslang sa asawa at pananaksak sa sarili.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.