Mister, Tinarget sa Ulo, Kritikal

KRITIKAL ANG mister matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakatambay sa labas ng bahay sa Navotas kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa ulo si Bernald Donato, 45, ng Adelfa St., Tanza ng lungsod.

Batay sa ulat, ala-1:30 ng umaga, nasa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang barilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PLM.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.