Mister, tinangkang sunugin ang sarili

MUNTIK NANG MULING magkasunog sa isang barangay sa Navotas kung saan 12 ang namatay matapos tangkain ng isang mister na sunugin ang sarili sa loob ng kanilang bahay dahil sa hirap sa buhay sa nasabing lungsod, iniulat kamakalawa.

Nakakulong si Norman Clemente, 40 ng M. Naval St., San Roque ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga, galing ang biktima sa Bulacan at nang makauwi sa kanilang bahay ay malungkot na nagkulong sa kanilang bahay.

Tinangka ng asawa ng biktima na si Lourdes na kausapin si Norman subalit ayaw papasukin ng huli ang babae.

Narinig na lang si Norman na nagsisigaw at nagwawala na naging dahilan upang tumawag ng barangay tanod ang mga kapit-bahay.

Nagbuhos na ng kerosene sa katawan si Norman at ilang parte ng kanilang bahay na naging dahilan upang maalarma ang mga nakapaligid at sapilitang binuksan ang bahay at dambahin ang una bago pa masindihan ang hawak na lighter.

Magugunita na nagkaroon ng sunog sa nasabing barangay matapos maglaro ng apoy ang isang may diperensiya sa pag-iisip na naging dahilan upang matusta ang 11 katao habang isa ang namatay sa atake sa puso noong January 30, 2011.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso si Norman.            (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.