Mister, Timbog sa Paglalaro ng Apoy

SA KULUNGAN ang bagsak ng isang mister na mahilig maglaro ng apoy nang maaktuhan ng kanyang asawa na katalik nito ang kulasisi sa bahay ng tiyahin sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Kasama sa kulu-ngan ni Arnold Santos, 37, ng Sta. Maria, Bulacan ang sinasabing kulasisi na si Ebalyn Moreno, nasa hustong gulang ng Talipapa, Caloocan City.

Sa pahayag ng asawa ni Santos na si Mylene, lumuwas ng Maynila ang asawa dahil maghahanap umano ng trabaho.

Kamakalawa at birthday ng kanilang anak at hinahanap ang ama na naging dahilan upang puntuhan ni Mylene ang asawa sa tinutuluyang tiyahin sa Talipapa ng lungsod.

Alas-7 ng umaga, dumating si Mylene sa bahay ng tiyahin ng asawa sa nasabing lugar at laking gulat nang makita ang asawa na kaulayaw si Moreno na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod at ipadakip ang magkalaguyo.

Desidido umano si Mylene na ituloy ang kasong adultery sa mister kung kaya idiniretso si Santos at Moreno sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.